KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Misteryo ng Pasko II: ang Diyos ang bumaba sa daigdig

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan, at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan…” (Awit 36:7, Bibliya).

-ooo-

MISTERYO NG PASKO II: ANG DIYOS ANG BUMABA SA DAIGDIG: May pangalawang misteryo ang Pasko na nais kong talakayin dito. Ito ay ang misteryo ng pag-ibig ng Diyos. Kung mga ordinaryong Kristiyano ang ating tatanungin ukol sa uri ng pag-ibig na ipinakita ng Diyos sa sanlibutan, ang agad na isasagot ay ang mababasa sa Juan 3:16 ng Bibliya.

Para sa mga ordinaryong Kristiyano, ganito ang kanilang salin ng Juan 3:16: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak, upang sinuman ang sumampalataya sa kanya ay di mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan.”

Noong bago pa lamang akong nag-aaral ng Bibliya, ganoon din ang aking ginagamit na salin ng Juan 3:16 upang ipaliwanag ang pag-ibig ng Diyos sa ating lahat. Kaya lamang, noong ipakita sa akin ng Diyos na mayroong gawain Siyang ipinagagawa sa akin, nagbago ang aking salin sa Juan 3:16.

-ooo-

TUNAY NA SALIN NG JUAN 3:16 NG BIBLIYA: Ano ang aking salin ng Juan 3:16? Ganito po siya: “Gayon  na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya Siya mismo ang bumababa mula sa langit, tumungo sa lupa sa anyo ng tao, may laman at dugo, at tinanggap ang parusang dapat ay laan sa kasalanan ng tao.

“Ginawa Niya ito upang ang sinumang tumanggap at sumampalataya sa Kanya bilang Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo, ay di mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at mabibigyan ng karapatang maging anak ng Diyos…”

Sa aking tingin at sa tingin ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), ito ang tunay na misteryo ng Pasko, batay sa mga nakasaad sa Bibliya. Niloob ng Diyos na bumaba sa mundo, at tanggapin ang parusang dapat ay sa tao ibibigay dahil sa kanyang mga kasalanan, sa impiyerno ng walang hanggang apoy at uod, dahil sa Kanyang malabis na pag-ibig sa atin.

-ooo-

MGA PATIBAY SA BIBLIYA NA ANG DIYOS ANG BUMABA SA LUPA: May patibay ba sa Bibliya na ang Diyos mismo ang bumaba mula sa langit sa anyo ng tao? Opo, at makikita ito sa Genesis 3:15,  Isaias 7:14 at 9:6, Mateo 1:18-25, Lucas 1:26-38, at Juan 1:1-14. Sa mga bersikulong ito, makikita nating ang sanggol na ipinaglihi at isinilang ng birheng si Maria sa anyo ng tao ay tunay namang “Makapangyarihang Diyos at Walang Hanggang Ama”.

Makikita din natin sa mga bersikulong ito na ang sanggol na ito, na Siyang “Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama” ay may pangalan, na Siyang pangalan ng Ama, at ito ay “Jesus”.

Bakit bumaba mismo ang Diyos sa daigdig sa unang Pasko? Dahil mahal Niya ang tao, at ayaw Niyang mapariwara sila sa impiyerno. Pumayag Siya na tanggapin ang parusang dapat ay sa tao ibibigay dahil sa kasalanan, at ito ang pinakamatinding regalo na tinanggap ng buong sanlibutan na kumilala at tumanggap sa Kanya.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here