KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Walang halaga ang Pasko kung…

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Labis ang pag-ibig ng Diyos sa tao kaya Siya mismo ang bumaba sa lupa mula sa langit sa anyo ng tao, may laman at dugo, at tinanggap ang parusang nakalaan para sa kanilang mga kasalanan, upang ang tumanggap at sumampalataya sa Kanya bilang Diyos at Tagapagligtas, ay di mapapahamak, magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at mabibigyan pa ng karapatang maging anak ng Diyos…” (Juan 3:16, Ang Tanging Daan Salin ng Bibliya).

-ooo-

DIYABLO ANG NAKAKUBABAW SA MGA PUMATAY SA 3 KABATAAN SA CALOOCAN: Diyablo ang nakakubabaw tiyak doon sa tao o mga taong gumilit sa leeg upang patayin ang tatlong kabataang lalaki sa Caloocan City noong nakaraang buwan. Wala naman kasing matinong tao o mga tao ang papatay sa ganoong makahayop na paraan.

Kung sabagay, ibinabala na ang pagkubabaw ng diyablo sa maraming tao. Ang sabi ng babala, sa mga huling panahon, iiwan na ng tao ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at susunod na lamang sila sa mga mapanlinlang na aral at mga katuruan ng diyablo.

Ibinabala din ang pagiging tunay na masama ng mga tao sa lahat ng dako. Mawala na ang takot at pagmamahal nila sa Diyos, at maging sa kanilang mga magulang at mga nakatatanda o mga nasa kapangyarihan. Magiging suwail ang lahat, mapagmahal sa pera at mahihilig sa kalayawan ng katawan at laman.

-ooo-

TAO, LIKAS NA MASUWAYIN SA UTOS: Sa totoo lang, ganito na talaga ang tao kahit na noong una pa man. Ayon sa mga nakasulat, likas talaga sa tao ang pagiging masama, at pagiging masuwayin sa mga utos, lalo na sa mga utos ng Diyos. Naalala niyo ba, nagsisi ang Diyos na nilalang Niya ang tao, dahil puro kasamaan na lamang ang nasa kanilang isip?

Sigurado akong kung ang mga taong gumilit sa leeg ng tatlong kabataan sa Caloocan City noong nakaraang buwan ang tatanungin, magsasabi silang kasalanan ng mga ginilitan ng leeg ang karumal-dumal na kapalarang kanilang sinapit. At maaaring tama ang mga gumilit, o maaaring mali sila.

Ang punto ko lang, iba na talaga ang takbo ng isip ng mga tao sa buong mundo sa ngayon. Kung noong unang panahon ay napakasama na nila, lalo silang nagpapakasama ngayong papalapit na ang ibinabalang pagwawakas ng daigdig. Kumbaga, nais ng diyablo na mas marami ang masamang-masama upang mas marami siyang mahatak patuntong impiyerno.

-ooo-

WALANG HALAGA ANG PASKO KUNG…: Ano ang naging tugon ng Diyos sa kasamaan ng tao? Noong una ay nagpasya Siyang gunawin ang buong mundo sa pamamagitan ng tubig. Pero nagsisi din Siya sa pagkagunaw ng daigdig.

Kaya naman nagpasya Siya na Siya na mismo ang bababa sa mundo sa anyo ng tao, may laman at dugo, at tinanggap ang parusang nakalaan sa kanilang mga pagkakasala. Ito ang dahilan ng Pasko—ibigay ang kapatawaran sa mga tao, sa isang kondisyon.

Ano ang kondisyon? Kailangan nating tanggapin at panampalatayaan na ang Diyos mismo na ang Pangalan ay Jesus ang bumaba dito sa lupa mula sa langit sa anyo ng tao, at pagkatapos ay magsisi sa ating mga kasalanan, at sumunod sa Kanyang mga kautusan. Kung hindi nating tutuparin ang kondisyong ito, walang halaga ang Pasko sa atin, sa buhay na ito at sa buhay na walang hanggan.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here