[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
[/av_textblock]
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Para sa mga tumalikod kay Jesus ang Pasko
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Nakakita ng isang maningning na liwanag ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman; sumikat na ang liwanag sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim… Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin… at siya ay tatawaging Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama…” (Isaias 9:2, 6, Bibliya).
-ooo-
PASKO: KATUPARAN NG MGA PROPESIYA KAY JESUS: Kuwento pa din po tayo ngayon ng Pasko, o yung pagdating ng Diyos na ang Pangalan ay Jesus sa daigdig sa anyo ng tao, may laman at dugo, upang bigyan tayo ng kaligtasan mula sa impiyerno dahil Siya na mismo ang tumanggap ng parusang nakalaan sa mga pagkakasala ng sanlibutan.
Alam ba ninyong ang isa sa mga pahayag ng pagdating na ito ng Diyos sa mundo ay ginawa ng Diyos din sa pamamagitan ng propetang Isaias halos isang libong taon bago naganap ang nasabing pagdating Niya dito? Mababasa po ang pahayag na ito sa Isaias 7:1-14 at Isaias 9: 2, 6 ng Bibliya.
Kung may nagdududa na ang mga pahayag na ito ay mga propesiya lamang na hindi nagkaroon ng kaganapan, makabubuting basahin po nila ang Mateo 1:18-25 ng Bibliya upang makita nilang kinikilala ang katuparan ng mga ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Isaias.
-ooo-
PARA SA MGA TUMALIKOD KAY JESUS ANG PASKO: Ano kaya ang dahilan kung bakit kinailangang ipahayag ng Diyos ang Kanyang pagdating sa mundo noong panahon ni Isaias? Kasi po, noong mga panahong iyon, naging mahina ang pananampalataya ng marami sa Diyos, sa bayan ng Judah, dahilan upang sila ay tumalikod sa Diyos at sa Kanyang mga utos.
Ang kahinaang ito ng pananampalataya ng bayan ng Diyos mismo ay ipinakita ng kanilang hari noon, si Haring Ahaz. Napag-alaman kasi ni Ahaz at ng buong Judah na lulusubin sila ng dalawang malalaking kaharian at nais silang sakupin at gawing alipin. Dahil dito, natakot si Ahaz at ang kanyang mga nasasakupan, at sila’y naging parang mga punong hinahampas ng malalakas na hangin.
Nakita ng Diyos ang pagkatakot na ito ni Ahaz at ng kanyang bayan, kaya’t isinugo Niya si Isaias at ang anak nito upang pagsabihan si Ahaz na di siya dapat matakot dahil hindi matutuloy ang pagsalakay ng kanilang mga kaaway. Hindi naniwala si Ahaz, kaya’t sinabi ni Isaias, ang Diyos mismo ang magbibigay ng tanda.
-ooo-
PASKO: ANG DIYOS MISMO ANG BUMABA SA MUNDO SA ANYO NG TAO: Ang tanda na ibinigay ni Isaias ay mababasa sa Isaias 7:14, at ito ay ukol sa pagkakatawang-tao ng Diyos, sa pamamagitan ng prosesong tao—ibig sabihin, ipaglilihi at isisilang Siya ng isang babae, sa anyo ng tao, may laman at dugo, pero hindi tao talaga.
Kasi nga, sa Isaias 9:6, ipinakilala ni Isaias na ang ipaglilihi at isisilang ng birhen ay di tao, kundi ang “Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama.” Ayon kay Isaias, iniuutos ng Diyos na kailangang maging matatag ang mga tao sa pananampalataya nila sa Kanya bilang kanilang Diyos at Tagapagligtas upang hindi sila mapariwara.
At ito ang diwa ng Pasko ngayong 2017. Sa harap ng maraming mga problema natin sa loob at labas ng bansa, kailangan nating patatagin ang ating pananampalataya kay Jesus bilang ating Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak at Espiritu Santo. Ito lamang ang paraan upang maging matagumpay at masagana ang mga Pilipino. Maligayang Pasko po sa lahat!!!
-ooo-
PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]