[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
[/av_textblock]
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Disyembre: buwan ng kamatayan at pinsala sa Mindanao
INSPIRASYON SA BUHAY: â⌠Kung makikinig lamang kayo sa tinig ng Panginoon ninyong Diyos, at susunod sa Kanyang mga utosâŚitatampok Niya kayo sa lahat ng mga bansa. Mapapasainyo ang lahat ng mga pagpapalang ito, kung makikinig kayo sa tinig ng Diyos at susunod sa Kanyang mga utosâŚâ (Deuteronomio 28:1-2, Bibliya).
-ooo-
DISYEMBRE: BUWAN NG KAMATAYAN AT PINSALA SA MINDANO: Napapansin po ba ninyo na ang Disyembre ng bawat taon, sa harap ng pagdiriwang ng Kapaskuhan ng mga Kristiyanong Pilipino, ay nagiging madalas ang pananalasa ng mabibigat na pag-ulan, pagbaha, at paghampas ng malakas na hangin sa Mindanao? At hindi ordinaryong bilang ang mga namamatay doon.
Ganundin, hindi mani lamang ang halaga ng mga ari-ariang napinpinsala pagtama ng mga bagyo sa Timog Pilipinas, gaya ng mga nasira ng mga bagyong Urduja at Vinta. Sa lahat ng ito, ang mas mabigat na problema ng marami sa ating bansa ay ang patuloy na pagbabalewala sa isang importanteng anggulo ng mga bagyo, ulan, baha at hangin na dumarating sa atin.
Sa aking tingin, hindi na talaga mapipigilan pa ang pagdating ng mga trahedyang dulot ng pagkasira ng kalikasan, sa Pilipinas man o sa buong mundo. Pero kung nanaisin lamang natin, may remedyong nakalaan diyan, kung papansinin lamang natin ang anggulong espirituwal ng mga kalamidad na ito. Ano ang anggulong espirituwal ng mga bagyo? Tawag po kayo akin at atin itong talakayin ng masinsinan.
-ooo-
MGA TUNGKULING DAPAT GAWIN NG MGA PULIS SA R.A. 7438 (I): Sa harap ng nagpapatuloy na matinding paglabag sa mga karapatan ng mga mahihirap at maliliit na Pilipino sa kamay ng mga autoridad—pulis, sundalo, o iba pang law enforcement authorities sa banas—kailangang malaman ng lahat na may mga batas na magagamit upang papanagutin ang mga lumalabag sa mga karapatang ito.
Isa dito ang Republic Act 7438 na ipinasa noon pang 1992, at kilala bilang âAn Act defining certain rights of person arrested, detained or under custodial investigation as well as the duties of the arresting, detaining and investigating officers, and providing penalties for violations thereof.â
Batas po ito na nakakasakop sa mga âimbitasyonâ o tahasang paghuli sa sinuman sa Pilipinas ng mga pulis, sundalo, o iba pang law enforcement officials, at maging ng mga pribadong tao. May mga dapat gawin ang mga nang-i-imbita o nanghuhuli, na kung di nila ginawa, mabubulok sila sa kulungan. Ano ang mga ito? Umpisahan po natin ang paglalahad ng mga ito bukas, God willing. Manatili po kayong nakasubaybay dito!
-ooo-
BAKIT MARAMI NG BATA ANG MASAMA ANG UGALI NGAYON? (I): May mga kababayan tayong lumalapit sa akin at nanghihingi ng mga payo sa kanilang mga suliranin sa pang-araw-araw na buhay, partikular sa mga problema nila sa pamilya, asawa, mga anak, mga kapatid, o ibang tao na nakakasalamuha nila araw-araw. Sa kanilang kapakinabangan, uumpisahan po natin ang pagtalakay sa mga problemang ito, upang pati na ang mga makakabasa ay makinabang.
Ang isa sa mga pinakatalamak na suliranin ng mga pamilya ngayon ay ang pagiging rebelde, masungit, o kawalan na ng paggalang mga mga kabataan sa kanilang mga magulang. Marami ng mga bata ang kahit na napakabata pa ay tunay namang napakasama na ng ugali. Bakit nangyayari ang mga ito, at ano ang pupuwedeng gawin?
Sa unang tanong—bakit nangyayari na masama na ang ugali ng maraming kabataan ngayon—ang nakikita ko pong sagot ay simple lang. Hindi sila naturuan ng maayos ng kanilang mga magulang noong sila ay mga bata pa lamang at ito ay bunga ng pagbabalewala ng mga tatay at nanay sa kanilang mga anak habang lumalaki ang mga ito. May dugtong po ito bukas, God willing.
-ooo-
PANOORIN, âANG TANGING DAANâ SA FACEBOOK: Ang âAng Tanging Daanâ ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]