[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
[/av_textblock]
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Imbestigasyon sa Davao City mall fire, nakakatakot
INSPIRASYON SABUHAY: â⌠Turuan ang mga bata sa landas na dapat nilang tahakin habang sila ay bata pa, at hindi na nila ito lilimutin kahit sila ay tumanda na rinâŚâ (Kawikaan 22:6, Bibliya).
-ooo-
IMBESTIGASYON SA DAVAO CITY MALL FIRE, NAKAKATAKOT: Mawalang-galang po kay Pangulong Duterte pero natakot ako sa sinabi niyang nagtatag na ang kanyang gobyerno ng isang inter-agency body mula sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Fire Protection (BFP) upang mag-imbestiga at palitawin ang katotohanan sa sunog sa NCCC Mall sa Davao City noong Disyembre 23, 2017.
Bakit ito nakakatakot? Kasi naman, di man dapat, parang ang tunog nito ay arson, o sadyang panununog, ang naganap sa NCCC Mall. Kung arson nga ang lalabas na dahilan ng sunog, lilitaw na wala ng kaligtasan ang mga tumutungo sa mga malls natin, di na lamang sa Davao City, kundi pati na sa buong bansa. Basta gustong sunugin, nasusunog na!
Sa kabilang dako, kung hindi arson at ang apoy ay nagmula sa aksidente lamang, kalunos-lunos namang wala palang emergency exits o iba pang pupuwedeng labasan ang mga tao na nasa mga nasusunog na mall. Kung ganito nga ang dahilan, papaano kaya napayagan ang operasyon ng mga ganitong malls? Nagtatanong lang po, Davao City Mayor Inday Sarah Carpio.
-ooo-
MGA TUNGKULING DAPAT GAWIN NG MGA PULIS SA R.A. 7438 (II): Sa ilalim ng Republic Act 7438, o ang batas ukol sa mga tungkulin ng mga nang-aaresto ng sinuman, may obligasyon ang mga nang-aaresto na bigyan ng abogado ang kanilang inaaresto, mula sa umpisa ng aresto hanggang sa imbestigasyon.
Makikita ang obligasyon ito ng mga nang-a-aresto (mga pulis, sundalo, o iba pang law enforcement officers) sa Section 2 (a) at Section 2 (b) ng nasabing batas. Ayon sa Section 2 (a), ang sinumang tao na inaresto o inimbitahan, o iniimbestigahan, dahil sa posibleng pagkakasangkot sa krimen, ay may karapatang ma-asistihan ng abogado sa lahat ng sandali.
Ang mga pulis, sundalo, o iba pang law enforcement officers, na hindi magbibigay ng abogado sa kanilang mga inaresto o inimbitahan o iniimbestigahan para sa krimen ay parurusahan ng pagkakakulong hanggang sampung taon, at aalisan pa sila ng karapatang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno habang buhay. May dugtong pa po ito, God willing.
-ooo-
BAKIT MARAMI NG BATA ANG MASAMA ANG UGALI NGAYON? (II): Kapabayaan, kawalan ng atensiyon at kakayahang magturo ng maraming mga magulang sa kanilang mga anak habang lumalaki ang mga ito ang mga pangunahing dahilang nakikita ko kung bakit lumalaking rebelde at walang galang ang maraming mga bata.
Dahil diyan, kailangang magsumikap ang mga magulang na bigyang-atensiyon ang kanilang mga anak, habang lumalaki ang mga ito. At ang pinakamabisang pagbibigay ng atensiyon ay ang matiyagang pagtuturo sa kanila ng mga Salita ng Diyos mula sa Bibliya. Ano ang ituturo nating mga magulang sa ating mga anak mula sa Bibliya?
Una, ituro natin sa kanila na may Diyos at Tagapagligtas, na Siyang naglalang sa atin, at Siya ding may pasya kung kailan tayo aalis sa daigdig na ito. Ituro natin sa mga bata na makapangyarihan ang Diyos, at Siyang may kakayahang bigyan tayo ng mabuti, masaya at marangyang buhay kung tayo ay laging makikinig at susunod sa Kanyang mga utos, at may kakayahan din namang magparusa sa atin, sa daigdig na ito at sa buhay na walang hanggan, kung sinusuway natin Siya.
-ooo-
PANOORIN, âANG TANGING DAANâ SA FACEBOOK: Ang âAng Tanging Daanâ ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]