KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Mga dapat ingatan sa pagpasok ng 2018

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Kaya’t siya’y tinanong nila, `Ano po ang dapat naming gawin upang aming matupad ang ipinapagawa ng Diyos?’ `Ito ang ipinapagawa sa inyo ng Diyos, sumampalataya kayo sa sinugo niya,’ tugon ni Jesus…” (Juan 6:28-29, Bibliya).

-ooo-

MGA DAPAT INGATAN SA PAGPASOK NG 2018: Sa pagpasok ng 2018 sa Pilipinas at sa buong mundo, dapat mag-ingat ang mga tao sa mga nagpapahayag na magiging mas mabuti ang buhay ng sinuman na nananampalataya at nananalangin sa Diyos. Kung babasahin kasing mabuti ang Bibliya, hindi sapat ang manampalataya o manalangin lamang upang makamtan natin ang mabuting buhay.

Sa totoo lang, ayon sa Santiago 2:19 at Mateo 7:21 ng Bibliya, kung pananampalataya o panalangin lamang ang batayan ng pagiging tunay na naniniwala sa Diyos, may problema ito sapagkat maging ang mga demonyo man ay sumasampalataya din at, ayon kay Jesus mismo, hindi ang lahat ng nananalangin sa Kanya ay pinakikinggan.

At tila nga mas mabuti pa ang mga demonyo, dahil sa kanilang pananampalataya sa Diyos, nanginginig sila. Nanginginig ang mga demonyo sa kanilang pananampalataya sa Diyos dahil kilala nila ang Diyos, at alam nilang may kakayahan ang Diyos na parusahan sila sa apoy na walang hanggan.

-ooo-

PALSIPIKADO ANG PANANAMPALATAYA NG MARAMI: Batay sa  panuntunang ito, maraming mananampalataya sa mundo, kasama na ang mga Pilipinong nagsasabing Kristiyano at tagasunod sila ni Jesus, and maliwanag na hindi totoo ang kanilang pananampalataya. Palsipikado, kumbaga, ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at ito ay bunga ng kawalan nila ng kaalaman kung sino ang Diyos.

Sa kanilang balintunang kamalayan, ang Diyos ay hindi nagpaparusa sa mga pagkakasalang nagawa ng mga nagsasabing sila ay mga tagasunod ni Jesus, kahit pa gaano kasama ang mga pagkakasalang ito, dahil diumano ang Diyos ay mapagmahal at hindi papayag na mapunta sa impiyerno ang tao.

Nakakalungkot ang ganitong pananaw, dahil ito ay hindi naaayon sa sinasabi ng Bibliya. Bagamat totoong mapagmahal ang Diyos at mapagtawad sa mga nakagawa ng mga kasalanan, Siya ay Diyos din ng katarungan. Ibig sabihin, kung ano ang Kanyang sinabi, iyon ang Kanyang gagawin.

-ooo-

MAPAGMAHAL ANG DIYOS, OO, PERO, MAKATARUNGAN DIN SIYA: Halimbawa, sinabi ng Diyos, sa kaanyuan ni Jesus, na ang mga nagkasala ay magiging mahirap at magulo ang buhay sa daigdig na ito, at itatapon pa sila sa naglalagablab na apoy ng impiyerno sa wakas ng panahon. Tiyak, gagawin Niya ito, dahil nga hindi Niya pupuwedeng talikdan ang Kanyang sariling Salita at kautusan.

Kung hindi Niya pahihintulutang maghirap sa daigdig na ito, at hindi Niya itatapon sa apoy ang mga makasalanan, Siya ay magiging sinungaling, na hindi pupuwedeng mangyari kailanman, sapagkat Siya ang Diyos ng katotohanan.

Dahil diyan, dapat magsumikap ang lahat, sa pagpasok ng 2018, na alamin kung ano ang dapat gawin upang maiwasan ang parusang nakalaan sa mga nagkasala. Dapat maunawaan ng lahat kung papaano kakamtin ang kapatawarang ibinibigay ni Jesus. At dapat itong isakatuparan ngayong 2018, bago maging huli ang lahat.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon. Telepono: 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058. Email: batasmauricio@yahoo.com./PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here