KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
‘TRAIN’ ni Duterte, pagdebatehan sa Plaza Miranda

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sinabi ng mga sugo… `Ano sa palagay niyo?… Naaayon ba sa Kautusan na magbayad ng buwis sa Emperador, o hindi?’… Alam ni Jesus ang kanilang masamang layunin kaya’t sinabi niya…` ibigay ninyo sa Emperador ang para sa kanya, at sa Diyos ang para sa Diyos’…” (Mateo 22:17-21, Bibliya).

-ooo-

“TRAIN” NI DUTERTE, DAPAT PAGDEBATEHAN SA PLAZA MIRANDA: Ano ba talaga ang dapat asahan ng tao sa batas ng gobyernong Duterte na tinatawag na TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion): makakabuti ba ito o makakasama sa sambayang Pilipino? Magtataasan ba ng grabe ang mga presyo ng pangunahing bilihin dahil sa TRAIN ni Duterte, o hindi naman masyado?

Sa dami na ngayon ng mga naglilitawang pananaw ukol dito, lumilitaw na hindi nagkaroon ng tunay na talakayan ang mga sangkot sa pagsasabatas ng TRAIN ni Duterte bago ito isinabatas. Mukhang hindi tunay na natalakay ang mga magiging epekto ng mga bagong buwis na sisingilin, partikular sa gasolina at diesel, sa mga presyo ng mga bilihin.

Delikado ito, dahil kung magtataasan nga ang presyo ng mga bilihin, magiging dahilan ito ng pagbagsak ng gobyernong Duterte. Dahil diyan, may panukala ako: dapat gumawa ng isang pampublikong debate, sa Plaza Miranda sa Quiapo, Manila, ang mga pro at anti sa TRAIN ni Duterte, upang maunawaan ng lubos ng sambayanan ng mga isyung bumabalot dito.

-ooo-

MGA TUNGKULING DAPAT GAWIN NG MGA PULIS SA R.A. 7438 (VI): Alam ba ninyong sa ilalim ng Section 2 ( c ) ng Republic Act 7438, ang anumang salaysay o sworn statement ng isang taong inaresto, inimbitahan para imbestigahan, o inimbestigahan na nga, ay walang bisa kung hindi ipinaunawa ng lubos ang mga laman nito sa nasabing inaresto?

Ang pagpapaliwanag ng nilalaman ng salaysay o sworn statement ay dapat gawin sa sariling wika ng pipirmang tao. Ang layunin ng batas dito, anuman ang nakasaad sa salaysay o sworn statement na kinuha ng mga pulis ay nakabatay sa katotohanan, ayon sa kaalaman, karanasan, o kaunawaan ng nakalagda doon.

Halimbawa, ang isang inaresto ay hindi nakakaalam ng Filipino o ng Tagalog dahil siya ay isang Ilocano, o Bicolano, o Hiligaynon, o kung ang salitang nalalaman ay yung kanyang kinalakihan lamang sa probinsiya. Hindi magkakabisa ang anumang nilagdaan niyang salaysay kung hindi ito ipinaunawa sa kanya sa salitang gamit niya sa kanyang sariling bayan.

-ooo-

MGA KUWENTO UKOL SA PAGBABA NG DIYOS MULA SA LANGIT SA ANYO NG TAO (II): Sa katotohanan, ang kabuuan ng Bibliya ay maliwanag na pagpapahayag ng pagbaba ng Diyos sa daigdig sa anyo ng tao, may laman at dugo. Pero, sa Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), may apat na eksaktong bersikulo ang nagpapahayag ng pagbaba ng Diyos sa daigdig.

Ang mga eksaktong bersikulong ito ay sa Genesis 3:15, Isaias 7:14 at 9:6, Mateo 1:18-25, Lucas 1:26-37. Unahin po natin ang kuwento ng Genesis 3:15. Batay sa Bibliya, ang Genesis 3 ay naglalaman ng kuwento ng kaparusahan kina Adan at Eba matapos na sila ay sumuway sa utos ng Diyos. Kasama sa kuwentong ito ang parusang iginawad ng Diyos sa ahas (o sa diyablo) na siyang nagbuyo sa dalawa upang suwayin ang utos ng Diyos.

Ayon sa Genesis 3:15, ipinahayag ng Diyos na dahil sa ginawa ng ahas kina Adan at Eba, maglalaban ang binhi ng ahas at ang binhi ng babae, kung saan dudurugin ng binhi ng babae ang ulo ng binhi ng ahas. Ang tinutukoy dito na binhi ng babae ay ang Diyos mismo, na dadating sa daigdig sa anyo ng tao (bilang binhi nga ng babae), at Siya lamang ang may kakayahang dumurog sa ahas.

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB

 
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here