KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
De Lima, walang ‘K’ magreklamo sa ‘rubber stamp Congress’

INSPIRASYON SA BUHAY: “… At sinabi ng Panginoong Yahweh sa ahas:

`Sa iyong ginawa’y may parusang dapat… Kayo ng babae’y aking pag-aawayin, binhi mo’t binhi niya’y lagi kong paglalabanin. Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya’y ikaw ang tutuklaw’…” (Genesis 3:14, 15, Bibliya).

-ooo-

DE LIMA, WALANG “K” MAGREKLAMO SA “RUBBER STAMP CONGRESS”: Ewan ko kung may karapatan itong ngayon ay nakakulong na si Sen. Leila De Lima upang magreklamo na ang kasalukuyang mga mambabatas sa Kamara De Representantes at sa Senado ay mga rubber stamps o mga bulag na tagasunod lamang ni Pangulong Duterte, na magbibigay ng extended term sa kanya.

Di ba kalihim ng katarungan si Leila noong panahong hila-hila ni Benigno Aquino III, ang pangulong kanyang pinaglingkuran ng buong katapatan mula 2010 hanggang 2016, ang mga ilong ng mga mambabatas na bumoto ng tila iisang kawan lamang upang patalsikin sa puwesto si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona, kapalit ng daan-daang milyong pork barrel funds?

Kung may matatawag na rubber stamps, iyon ay ang mga tagasunod ni Benigno Aquino III sa nakaraang Kongreso. Dahil diyan, walang karapatan si De Lima na magreklamo sa bagay na ito. Sabi nga ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas at Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, ang dapat magpupukol ng bato sa iba ay yun lamang walang kasalanan.

-ooo-

MGA TUNGKULING DAPAT GAWIN NG MGA PULIS SA R.A. 7438 (VII): Kung nais ng mga pulis na nang-aresto ng sinuman dahil sa isang krimen na paaminin ang kanilang mga naaresto, marapat na isulat nila ang pag-amin na ito sa wikang naiintindihan ng inaresto, sa harap ng abogado o sa harap ng ibang mga tao, upang magkaroon ng bisa ang ginawang pag-amin.

Ang mga taong tinutukoy ng Republic Act 7438 na kailangang nakaharap sa gagawing pag-amin ng krimen ng isang naaarestong tao ay ang mga sumusunod: mga magulang nito o isa man lamang sa magulang; nakakatandang mga kapatid; asawa; ang alkalde ng bayan; ang hukom sa lugar; district school supervisor; o pari o pastor o ministro, na pinili ng naaresto o gagawa ng pag-amin.

Ang pag-amin ng walang abogado ay magkakabisa lamang kung gagawa ang umamin ng isang salaysay na ginagawa niya ang pag-amin kahit wala siyang abogado, pero kailangang gawin niya ang pagbabalewalang ito sa kanyang karapatan sa abogado sa harap ng mga taong binanggit natin dito.

-ooo-

MGA KUWENTO UKOL SA PAGBABA NG DIYOS MULA SA LANGIT SA ANYO NG TAO (II): Sa Genesis 3:15 ng Bibliya, ipinahayag ng Diyos bilang sumpa sa ahas matapos nitong mabuyo si Adan at Eva na sumuway sa mga utos ng Lumikha sa kanila na ang binhi ng ahas at ang binhi ng babae ay maglalaban at magre-resulta sa pagkadurog ng ulo ng ahas ng binhi ng babae.

Maliwanag na ang tinutukoy ditong babae ay ang “birhen”” o dalagang tinutukoy sa ibang bahagi ng Bibliya gaya ng Isaias 7:14 at 9:6, na maglilihi at magsisilang ng sanggol na lalaki. Ang sanggol na ito, bagamat ipaglilihi at isisilang sa anyo ng tao, ay hindi talaga tao kundi ito ang “Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama”.

Sa pamamagitan ng Genesis 3:15, Isaias 7:14 at 96, maliwanag na ipinahayag na ng Diyos ang Kanyang pagbaba sa daigdig sa umpisa pa lamang ng buhay ni Adan at ni Eva sa anyo ng tao, may laman at dugo, upang durugin ang “ulo” ng ahas. Ibig sabihin nito, ipinahayag na ng Diyos ang Kanyang pagliligtas sa tao mula sa kasalanan, sa pamamagitan ng Kanyang kaanyuhan bilang tao.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon. Telepono: 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058. Email: batasmauricio@yahoo.com./PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here