[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Mamamayang Pilipino sasagasaan ng TRAIN ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”][/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 15, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
MARIING kinukondena ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang pagsasabatas ng kontra-mamamayan at pahirap na Republic Act (RA) 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), ang una sa limang reporma sa buwis o Comprehensive Tax Reform Program ng rehimeng Duterte sa ating bansa.
Naniniwala ang CEGP na mas lalong ilulugmok sa kahirapan ng batas na ito ang ating mga kababayan dahil sa pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga pangunahing produkto kagaya ng langis at asukal na magreresulta lamang sa pagsirit ng presyo ng iba’t-ibang mga produkto at serbisyong panlipunan.
Sa pagtutulak at pagsasabatas ng RA 10963 o TRAIN, ipinakita muli ni President Dutere ang pagiging manhid nito sa paghihirap ng ating mga kababayan. Mula sa Oplan Tokhang, all-out war at pagpataw ng batas militar sa Mindanao, hindi nauubusan ang rehimen ng paraan upang mas lalong magdusa ang mga Pilipino.
Maliban pa sa pahirap, mapanlinlang ding minaniobra ng rehimeng US-Duterte ang pagpapababa ng buwis mula sa personal na kita ng mga Pilipino. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng IBON Foundation, hindi makikinabang ang mayorya sa pagbabawas ng buwis sa personal na kita ng mga Pilipino dahil may mga umiiral na batas na para dito.
Taliwas sa binabanggit ng pamahalaan na makikinabang ang mga Pilipino sa batas na ito. Walang makukuhang bawas buwis ang mga minimum wage earners o ang kinikita ng karamihan sa ating mga kababayan. Ang mababawas sa kanila ay ang kanilang kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo dahil sa dagdag buwis na ipinataw sa mga pangunahing produkto. Ang tunay na makikinabang ay ang mga mayayaman dahil malaki ang makakaltas sa buwis na binabayaran nila.
Ang motibasyon ng rehimeng Duterte upang iratsada ang pagsasabatas ng TRAIN ay ang “Build Build Build” program nito. Ayon a kaniya, gagastos ang pamahalaan ng hindi bababa sa 8 trilyong piso sa loob ng anim na taon upang gumawa ng mga proyektong pang-imprastraktura sa buong kapuluan. Aniya, lilikha ng trabaho ang programang ito, lalaki ang investments sa ating bansa, at magkakaroon ang Pilipinas ng isang “Golden Age of Infrastructure.”
Ngunit kailangan umutang ng Pilipinas sa ibang bansa, partikular sa US, China, at Japan, ng daan-bilyong dolyar upang maisakatuparan ang programang ito. Karamihan sa mga proyektong nakapaloob dito ay ang pagtatayo ng mga tulay, daan, daungan at paliparan na magpapadali sa eksportasyon ng likas yaman ng ating bansa patungo sa mga imperyalistang bansang pinagkakautangan ng Pilipinas. Sa makatuwid, kasabay ng paglubog ng mamamayang Pilipino sa utang ay ang eksploytasyon ng mga dayuhan sa ating likas yaman.
Ang pagtataas ng buwis sa mga pangunahing produkto ay isa lamang sa mga pamamaraan ng reaksyunaryong gubyerno upang mabayaran ang inaasahang paglobo ng utang ng bansa. Itinatali ng pamahalaan sa utang ang mga Pilipino upang matustusan ang kanilang mga neoliberal na patakaran na kung susumahin ay walang kapakinabangan ang bansa. Ang makikinabang lamang dito ay ang mga imperyalistang bansa, dambuhalang korporasyon, at korap na politiko na tiyak na kikita sa mga patakarang ito.
Sa ngayon ay unti-unti na nating nararamdaman ang epekto ng TRAIN. Sa unang araw ng taon, binulaga ang marami sa ating mga kababayan ng malakihang pagtaas ng singil sa mga produktong petrolyo na magreresulta ng pagtataas ng singil sa sektor ng transportasyon. Bukod pa dito, inaasahan din na tataas ang singil sa kuryente, tubig, at iba pang serbisyo sa ating bansa. Ang iba pang pangunahing produkto ay nagsisitaasan na din ng presyo.
Sa kabila nito, nananatili pa ring barat ang sahod ng mga manggagawa. Milyon-milyon sa ating mga magsasaka ang wala pa ring sariling lupang sinasaka. Imbis na tugunan ang pangangailangan ng mamamayan, mas lalong pang pinapahirapan ng rehimen ang kalagayan ng ating mga kababayan. – JOSE MARI CALLUENG, national president, College Editors Guild of the Philippines
[/av_textblock]
[/av_one_full]