Garin, dapat ipa-Dengvaxia ang anak sa harap ng TV

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Garin, dapat ipa-Dengvaxia ang anak sa harap ng TV’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 16, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…At gawin ninyo ito, ng may pang-unawa sa mga nagaganap sa panahong kasalukuyan: dumating na ang oras upang kayo ay bumangon sa inyong pagkakahimlay, dahil mas malapit na ngayon sa atin ang kaligtasan, kaysa sa unang panahong tayo ay naniwala…” (Roma 13:11, Bibliya).

-ooo-

GARIN, DAPAT IPABAKUNA NG DENGVAXIA ANG ANAK SA HARAP NG TV: Nakikiisa ako sa panawagan ng aking nakababatang kapatid, si Atty. Leny Lazo Mauricio, na ituloy ni dating Health Secretary Janet Garin ang pangako niyang pagpapabakuna ng kanyang anak ng Dengvaxia sa harap

ng telebisyon, upang patunayan ang kanyang pahayag na walang masamang epekto ang nasabing gamot sa mga naturuakang kabataan.

Sa panahon ngayon na naglalabasan ang mga mas nakakatakot na balita ukol sa dumaraming kaso ng mga namamatay na mga bata matapos silang maturukan ng Dengvaxia, makakabuti ngang pabakunahan ni Garin, at maging ng mga dating opisyales ng gobyernong Noynoy Aquino sa pangunguna ni dating Pangulong Benigno Aquino III, ang kani-kanilang mga anak o iba pang kamag-anak.

Gawin nga nila ito sa telebisyon upang mapanatag ang loob ng maraming mga magulang ng halos isang milyong kabataang sapilitang tinurukan ng nasabing gamot. Ganundin, dapat ipabakuna din ng mga guro, principal, at iba pang opisyales ng Department of Education noon, gaya ni Education Secretary Armin Luistro, ang kanilang mga anak, sa harap din ng telebisyon.

-ooo-

SSS EXEC LA VINA, BAKIT GANOON ANG PASYA NIYO SA KORAPSIYON SA SSS? Pasensiya na po pero ang mga opisyales na katulad ng isang Jose Gabriel La Vina, commissioner ng Social Security System, ang lumilitaw na isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling matindi ang korapsiyon sa pamahalaang Pilipino. Bakit ko nasabi ito?

Aba, isipin naman ninyo, natuklasan niya o ng SSS na may media contracts na ilegal na pinasok ng ahensiya nila, sa napakalaking halaga ng P146 milyon, dahil walang bidding. Maliwanag na ito ay korapsiyon. Pero ano ang ginawa ni La Vina? Sa halip na magdemanda ng kasong korapsiyon, kasong administratibo (na walang kulong) ang kanyang isinusulong.

Tapos, kahit na yung kasong administratibo, hindi niya pupursigihin, at maging ng SSS, kung magbibitiw na lamang ang mga sangkot. Baka daw tamarin na silang kumilos, kung aalis na lamang ang mga sangkot na ito. Sa ibang salita, libre na ang mga korap sa SSS basta magbitiw na lang sila. Talaga naman oo!

-ooo-

BUTI NGA NAALIS NA SI LICUANAN SA CHED: Natural, kinakampihan ng mga mambabatas mula sa Liberal Party ang nagbitiw na si dating Chairman Patricia Licuanan ng Commission on Higher Education, kasi sila, sa pamamagitan ng kanilang pangulo noong iluklok ito sa tungkulin, si Pangulong Benigo Aquino III, ang dahilan kaya nasa CHED siya.

Pero, sa mga masusing nagmamasid sa CHED at sa sistema ng edukasyon sa hanay ng mga pampublikong unibersidad at mga kolehiyo, malaki ang naging pagkukulang ni Licuanan sa pagpapatatag ng pag-aaral ng mga mahihirap na kabataan sa mga matataas na institusyong akademiya.

Sa totoo lang, may mga humiling noon kay Licuanan na patigilin ang pagtanggap ng mga taga CHED ng bahagi ng tuition at iba pang matriculation fees na ibinabayad ng mga mahihirap na estudyante sa mga pampublikong kolehiyo bilang “profit participation,” pero binalewala lamang niya ito. Alam ko ito kasi isa ako sa mga humiling nito noon. Buti naman at naalis na siya, at nawa’y imbestigahan ng susunod na pinuno ng CHED ang isyung ito.

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here