[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Pagsasara ng media, ginawa din ni Cory Aquino noong 1987′ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 17, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin…” (Galacia 6:7, Bibliya).
-ooo-
PAGPAPASARA NG MEDIA, GINAWA DIN NI CORY AQUINO NOONG 1987: Para lamang po sa kabatiran ng lahat, hindi ito ang unang pagkakataon na ang gobyerno ay nagsara ng diyaryo sa bansang Pilipinas. Naganap din po ito noong 1987, sa panahon ni Corazon Cojuangco Aquino, ang pangulong itinatag ng Estados Unidos at ng mga kasapakat nitong mga Pilipino sa isang pang-aagaw ng kapangyarihang tinawag nilang “people power revolution.”
Nakakatuwang isipin na ang mga nagpapahayag ngayon ng matinding pagtutol sa pagpapasara ng diyaryo, o media entity na walang diyaryong ipinagbibili sa publiko, ay tumahimik, o di kaya ay nagbunyi pa nga, noong isara ni Corazon Cojuangco Aquino ang pahayagang Daily Express ng walang batayang legal, kundi ito ay pinaghinalaan lamang nilang diyaryo ng dating Pangulong Marcos.
Alam ko po ang pagsupil na ito ni Aquino ng kalayaan sa pamamahayag noong 1987 sa kanyang kautusang ipasara ang Daily Express, dahil ako noon ang pangulo ng unyon ng nasabing pahayagan at kasama sa halos tatlong daang mga manggagawang kasapi ng unyon na nawalan ng hanapbuhay noon.
-ooo-
KAIBAHAN NG PAGPAPASARA NG MEDIA NOON AT NGAYON: Kakaiba ang kaso ng Daily Express sa kaso ng Rappler sa kasalukuyan, at hindi pupuwedeng paghambingan ang dalawang ito ninuman. Sa kaso ng Daily Express, walang prosesong isinakatuparan ang gobyernong Corazon Aquino bago nila ito isinara.
Tanging ang gobyerno niya, sa pamamagitan ng Presidential Commission on Good Government na noon ay pinamumunuan ng kanyang Chairman, dating Senador Jovito Salonga, ang nagsara nito, dahil ayaw na nila itong magpatuloy, sa paniniwalang diyaryo ito ni Marcos o ng kanyang mga kapanalig. Natakot marahil sila na ito naman ang magbubunyag ng kanilang mga baho matapos ang 1986.
Sa kaso ng Rappler, may imbestigasyong isinagawa ang Securities and Exchange Commission (SEC), at doon ay napatunayang lumabag ang nasabing media entity sa Saligang Batas na nagbabawal ng dayuhang magmay-ari o mamuhunan man lamang sa alin mang diyaryo o iba pang media company. Samakatuwid, may batayang legal ang pagsasara ng Rappler sa ilalim ng gobyernong Duterte.
-ooo-
PAGPAPASARA NG DAILY EXPRESS, SUMPA SA PAMUMUNO NI CORAZON AQUINO: Kung ako ang tatanungin, higit na mas mabuti ang kalagayan ng Rappler sa ngayon dahil maaari itong kumilos ayon sa batas upang kuwestiyunin ang pagsasara nito ng SEC. Sa Daily Express noon, wala kaming masandalang proseso upang kuwestiyunin ang pagpatay ng diyaryong pinanggagalingan ng ikabubuhay ng napakaraming manggagawa.
Noong ako at ang aking mga kasama sa unyon ay nagsumikap makaugnayan ang iba’t ibang mga opisyales ng gobyernong Corazon Aquino upang malaman kung ano ang mga hakbang na dapat naming gawin upang maproteksiyunan ang interest ng kahit na ng mga manggagawa na lamang ng pahayagan, lahat sila ay nagsabing nagpasya na si Corazon Aquino na ipasara na ito.
Ibig sabihin, dahil iyon ang gusto niya noong mga panahong iyon, wala na kaming magagawa pa, hindi na bale na ang pagpapasara ng diyaryo ay maliwanag na paglabag sa mga karapatan ng mga mamamahayag. Noon, naisip ko na dahil nilabag ni Corazon Aquino ang karapatan sa malayang pamamahayag, magiging sumpa ito na sisira sa kaniyang pamumuno!
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]