MIAA GM Monreal, sino ang titiktik sa tiktik?

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’MIAA GM Monreal, sino ang titiktik sa tiktik?’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 22, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan. Sapagkat ang mga tao’y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos…” (2 Timoteo 3:1-2, Bibliya).

-ooo-

MIAA GM MONREAL, SINO ANG TITIKTIK SA TIKTIK? So, okay, magdadagdag ng mas madaming airport police intelligence operatives ang Manila International Airport Authority (MIAA) upang tiktikan ang mga manggagawang humahawak ng mga bagahe ng mga taong bumibiyahe sa paliparan at tiyaking wala ng magagawang nakawan o pilferage doon.

Ang tanong lang po, MIAA general Manager Ed Monreal, sino naman ang titiktik o susubaybay sa mga idadagdag ninyong airport police intelligence operatives upang tiyaking magiging matino din at hindi din magnanakaw ang mga ito?

Sa totoo lang po, Ginoong Monreal, alam po nating lahat na madaling matukso ang mga Pilipinong nailalagay sa puwesto. Sa una ay magpapakitang-gilas ang mga ito, kasi bago pa lang sila sa puwesto. Pero pag nakalimutan na ang isyu, at wala ng nakatingin sa kanila, sila man ay magiging tiwali o magnanakaw na din.

-ooo-

HINDI SOLUSYON ANG PAGPAPALIT NG TAO: Ang solusyon, Ginoong Monreal, ay hindi ang pagpapalit o pagdadagdag ng tao. Palitan o dagdagan man natin ng paulit-ulit ang mga tao kapag nagkakaroon ng alingasngas sa pagtupad nila ng kanilang mga tungkulin, ganoon at ganoon din ang kahihinatnan nila ng mga papalit o idadagdag sa kanila—darating ang araw na matutukso din silang gumawa ng katiwalian.

Naaalala niyo pa ba ang mga palitan o pagdadagdag ng tao na madalas nagaganap sa Bureau of Customs, sa Bureau of Corrections, at sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaang tinmataan ng katiwalian? Ganun pa din ang nangyayari—ang mga ipinalit o idinagdag ay nakukuha ding gawin ang mga kabulastugan ng mga pinalitan o dinagdagan nila.

Ganito din po ang nangyari sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa, di po ba? Dalawang beses, pinatalsik natin ang mga nakaupong pangulo ng Pilipinas dahil sinabi ng mga kalaban nila na tiwali sila. Pero, ang mga ipinalit natin, naging mas masahol pa sa paggawa ng katiwalian noong sila naman ang naluklok, di po ba?

-ooo-

PAGIGING MASAMA NG TAO, IBINABALANG MANGYAYARI: Ang ganitong mga katiwalian at kasamaan ng tao ay inihula at ibinabalang magaganap sa pag-usad ng panahon. Ayon sa mga nakasulat, sadyang tiwali at masama ang tao, at puro kasamaan na lamang ang nasa kanyang puso. Sabi nga, ang lahat ay nagkasala at walang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

Dahil diyan, asahan na nga natin ang pananalasa ng kasamaan sa ating bayan. Pagtiyagaan na lamang natin. Puwera na lamang kung kikilos ang bawat isa sa atin upang tuldukan na ang kasamaang ito ng marami sa ating mga kababayan. Ano ang gagawin? Ibalik natin ang ating mga sarili sa Diyos. Ito lamang ang tunay na solusyon, Ginoong Monreal.

Paaano gagawin ito? Gawin nating panuntunan sa paglilingkod sa gobyerno ang masusing pag-aaral ng Bibliya para sa mga manggagawang Kristiyano o ng Koran para sa mga Muslim at tapat na pagsunod sa mga kautusang nakasulat sa mga iyon. Tiyak ang pagbabago kung isasandal natin sa Diyos ang isip, puso, at kaluluwa nating lahat!

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here