Sumpa ng Mamasapano sa Pamilya Aquino

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Sumpa ng Mamasapano sa Pamilya Aquino’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 26, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Kung hindi na kayo makikinig sa tinig ng Diyos at hindi na kayo susunod sa Kanyang mga utos…mangyayari sa inyo ang mga sumpang ito…” (Deuteronomio 28:15, Bibliya).

-ooo-

SUMPA NG MAMASAPANO SA PAMILYA AQUINO: Ngayon, hindi na maitatanggi ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na may dalang sumpa sa Pamilya Aquino ang malupit na kamatayang sinapit ng tinaguriang “SAF 44”, o yung 44 na pulis na kasapi ng Philippine National Police Special Action Force sa pagkilos ng gobyerno ni Noynoy noong Enero 25, 2015 laban sa sinasabing Malaysian terrorist na si

Marwan.

Kasi naman, nakatatak na kay Noynoy ang galit di na lamang ng mga kamag-anak ng SAF 44, kundi na ng nakararaming mamamayang Pilipino, sapagkat naniniwala silang pinabayaan niya ang mga bayaning pulis na mapatay ng walang kalaban-laban ng mga rebeldeng Muslim upang di magkaroon lamat ang hinahabol niya noon na usapang pangkapayapaan sa Mindanao.

Kasabay nito, imbes na kikilalanin ang Enero 25 ng bawat taon bilang kaaarawan ng kanyang         namayapa ng ina, si dating Pangulong  Cory Aquino, na dapat ipagbunyi dahil siya ang tanging lider ng bansa na nagpabagsak ng isang nakaupong pangulo sa pamamagitan ng isang mapayapang pang-a-agaw ng kapangyarihan, ang araw na ito ay magsisilbi ng araw ng pagluluksa ng sambayanang Pilipino, dahil sa kagagawan ni Noynoy.

-ooo-

NAKU NAMAN TALAGA, MIAA: “Ha ha ha.. he he he… hi hi hi…ho ho ho… hu hu hu…” Ganito ang aking reaksisyon sa pinakahuling kautusan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ukol sa pagbabawal sa mga empleyado nito, lalo na yung mga may kinalaman sa paghawak ng mga bagahe ng mga pasahero ng mga eroplano, na magsuot ng alahas o humawak ng telepono sa oras ng trabaho.

Naku naman talaga, mga magagaling na pinuno ng MIAA. Kelan pa napigilan ng ganitong mga  kabalbalang utos ang pagnanakaw sa airport? Kelan pa nabago ang mga tiwali sa pamamagitan ng di pagsusuot ng alahas, o di paghawak ng telepono habang sila ay nagtatrabaho pa? Sana naman, gamitan ng konting utak ang ganitong mga pagkilos upang ipakilala na seryoso ang kampanya sa korapsiyon sa mga paliparan.

Ang aking matagal ng ipinapanukala na dapat niyong sundin, mga pinuno ng MIAA, baguhin ninyo ang isip ninyo at ng mga tao ninyo, sa pamamagitan ng puspusang pagpapasakop ninyo sa Diyos. Paaano ninyo magagawa ito? Magbasa po kayo ng Bibliya araw-araw, isaulo ang mga nababasa ninyo araw at gabi, at tuparin ang mga utos na ito sa lahat ng sandali.

-ooo-

BAGONG KORINA SANCHEZ, KAHANGA-HANGA: Kamangha-mangha, at tunay namang kaakit-akit. Yan ang pumasok sa aking diwa at kamalayan noong una kong natunghayan ang mga higanteng billboards na nagkalat sa Metro Manila mula sa Belo Clinic, na nagtatampok sa bagong anyo ng kilalang news personality na si Ms. Korina Sanchez Roxas.

Una, halos di ko siya nakilala sa bagong anyo ng kanyang maamong mukha. Kung hindi sinabi ng asawa ko, ang dating Judge Angelina Mauricio, na si Bb. Korina pala yung nakalarawan sa Belo Clinic billboard, ni hindi papasok sa isip ko na siya na nga yun. Tunay na malaki ang ipinagbago ng bagong Mrs Roxas.

Pangalawa, dahil marahil hindi ako nasanay na nakikitang walang takip ang parehong balikat ni Korina, nagitla ako na ganoon ang kanyang hitsura sa nasabing billboard. Aba eh, maraming mga artista sa pelikula ang tatalunin ng aking paboritong newscaster, kung papasukin lamang niya ang pinilakang tabing. Mabuhay, Ms. Korina.

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here