Pasabi sa mundo: hacked ang aking FB account!!!

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Pasabi sa mundo: hacked ang aking FB account!!!’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 27, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 8:32, Bibliya).

-ooo-

PANANAMPALATAYA SA DIYOS, NILALAIT NA SA PILIPINAS: Anong klaseng kalokohan ba ang pumapasok na isip ng maraming Pilipino sa ngayon at nakakayanan na ng marami sa kanila na laitin, sa publiko pa mandin, ang paniniwalang pang-espirituwal ng kanilang kapwa, upang sirain lamang ang kredibilidad ng mga nangangahas magpahayag na sila ay nananampalataya sa Diyos at kasapi ng mga relihiyong pang-Kristiyano?

Naitanong ko ito sa kolum na ito ngayon lamang, kasi hindi maalis-alis sa isip ko ang maliwanag na panlalait sa pananampalataya ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng isang abogadong nagsusumikap mapatalsik ang pinakamataas na hukom ng Pilipinas.

Matagal ng nilibak ng abogado (hindi ko na lalagyan pa ng pangalan, baka akalain niyang importante pa ang pangalan niya dito) ang pananampalataya ni Sereno at ng isang kinuha nitong dalubhasa sa Information Technology (IT) upang tumulong sa mga gawain sa Korte Suprema.

-ooo-

SUMPA SA SAMBAYANAN, BUNGA NG PAGTALIKOD NG PILIPINO SA DIYOS: At sinubukan kong tumahimik, pero masakit sa dibdib kung kinikimkim lamang ito ng matagal na panahon. Anong pananampalataya ba mayroon ang abogado at nagawa niyang hamakin ang pagiging parehong Kristiyano ni Sereno at ng IT expert? Wala bang Diyos ang abogado? O, gusto lamang niyang magmukhang “in,” dahil laganap na ngayon ang kawalan ng takot at pag-ibig sa Diyos, maging sa Pilipinas?

Sa totoo lang, malalang sakit na ng maraming Pilipino sa ngayon ang ituring ang sinumang nangangahas magsalita ukol sa mga aral ng Diyos sa Bibliya na “sira ang ulo,” “may sayad,” “maluwag ang turnilyo” o di kaya ay “may tililing.” Maliwanag ang layunin ng mga naninira sa mga nagpapasakop sa Diyos—pigilan ang pagpapahayag ng Salita sa Bibliya upang manatiling nasa kadiliman ang marami.

Kaya naman makikita natin, sa halos buong bansa, nararanasan na natin ang mga sumpa ng Diyos. Ito ay dahil sa ating paglayo at pagtalikod sa Kanya, kasi hindi na tayo nagbabasa ng Bibliya, at di na sumusunod sa Kanyang mga utos.

-ooo-

PASABI SA MUNDO: HACKED ANG AKING FACEBOOK ACCOUNT: Napakialaman, o sa wikang Ingles, “hacked” ang aking Facebook account (Melanio Lazo Mauricio Jr., o www.facebook.com/attybatas). May nagpo-post sa nasabing Facebook account at ginagamit ang aking pangalan at litrato, pero hindi naman ako ang nagpo-post. Nalaman ko ito noong ako ay tawagan ng aking kapatid na si Philip noong Biyernes, at sinabi sa aking may “inilabas” daw akong English column, na napakasama naman ng Ingles.

Ukol po ito sa kolum ko noong Enero 25, 2018 tungkol kay Ms. Korina Sanchez Roxas. Ang kolum ukol kay Ms. Korina ay sa Pilipino ko lamang isinulat, walang salin sa Ingles kasi nawalan na ako ng oras, matapos ang apat na scheduled appointments na dinaluhan kong lahat. Kay Ms. Korina, sorry, na-hacked po ang FB account ko. Sa Facebook, bakit naman niyo pinayagang naha-hack ang mga account sa inyo? May pakinabang ba kayo?

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here