Ano ang masasabi mo, President Koko?

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Ano ang masasabi mo, President Koko?’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 29, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Galit ako sa diborsiyo, o sa paghihiwalay ng mag-asawa,’ pahayag ng Panginoon…” (Malakias 2:16, Bibliya).

-ooo-

DI BA LEGAL ANG MGA “LEGAL FRONTS” NG MGA KOMUNISTA? Kailangang liwanagin ng Pangulong Duterte o ng kanyang mga tagapayo ukol sa seguridad ng bansa kung ano ang ninais niyang tukuyin sa mga salitang “legal fronts”, matapos niyang sabihin noong Sabado, Enero 27, 2018, na hindi na lamang ang mga armadong komunista ang kanyang “tatapusin” kundi pati na ang kanilang “legal fronts”.

Kasi, pag sinabing “legal fronts”, ang tinutukoy dito ay ang mga organisasyong kaalyado ng nasabing mga armadong komunista pero nagpasailalim na sa mga batas at reglamento ng bansa, at sumusunod sa mga alituntunin ng pamahalaan, sa kanilang mga gawain. Ibig sabihin, ang “legal fronts” ay mga legal at lehitimong organisasyon.

Dahil legal at lehitimo na ang mga organisasyong ito, ayon na rin sa itinatakda ng mga umiiral na batas sa ngayon, hindi na sila pupuwedeng basta na lamang isara, o patigilin sa kanilang operasyon, at ikulong ang kanilang mga kasapi at namumuno. Magiging matinding paglabag na yun sa karapatang pantao, at maging sa mga batas mismo.

-ooo-

MAY PROFIT PARTICIPATION PA BA SA CHED? Lutang ang tunay na layunin ni Commission on Higher Education Officer-In-Charge Prospero De Vera sa pahayag na ginawa niya sa Vigan City sa isang panayam noong Linggo, Enero 28, 2018, ukol sa pagpapatupad ng libreng matrikula sa mga pampublikong unibersidad at mga kolehiyo sa pasukan sa Junio 2018.

Gusto niyang ipakilala, sa pamamagitan ng panayam sa bayan ng mga Ilocano, na sa ilalim ng kanyang pamumuno, nagkaroon ng katuparan ang batas na nagtatakda ng libreng matrikula sa mga tinatawag na “SUCs” o state universities and colleges, na tinawag pa sa panayam na pangunahing proyekto ng Pangulong Duterte.

So, okay, G. De Vera, libre na ang matrikula mga pampublikong kolehiyo at unibersidad pero may dapat po kayong silipin ng husto sa CHED. Ito yung “profit participation scheme” diyan kung saan ang mga matataas na pinuno ng CHED ay binibigyan ng bahagi ng ibinabayad ng mga mahihirap na mag-aaral sa mga nasabing paaralan. Kailangan pong pahintuin na yan, di po ba?

-ooo-

ANO MASASABI MO, PRESIDENT KOKO? Ipagpaumanhin po ni Bb. Jewel May Colmenares Lobaton Pimentel, ang dating asawa ng ngayon ay Senate President Aquilino Koko Pimentel III, pero hindi pa siya dapat magdiwang sa sinasabing kautusan ng Marikina Regional Trial Court na nagbabalewala ng kanyang kasal sa opisyal ng Senado. Ang dahilan? Ang lahat po kasi ng mga pasya ng hukuman kumakatig sa annulment ng mga kasal ay inia-a-apela sa Court of Appeals.

Tila ba opisyal na alituntunin na ngayon sa Office of the Solicitor General na kuwestiyunin agad ang lahat ng mga court orders na pumapayag sa annulment ng mga kasal ng mga Pilipino. Alam ko ito dahil ang mga kasong hinawakan namin ng aking asawang si dating Judge Angelina Mauricio kung saan panalo ang annulment ng kasal ay ini-apela pa din ng OSG.

Tiyak kong ito din ang gagawin ng OSG sa kaso ni Jewel at ni Koko. Anyway, nakakabigla na hindi pala sumusunod si Koko sa utos ng hukuman na payagan niyang makita ni Jewel ang kanilang mga anak? Ano kaya ang dahilan? Baka naman kinukuwestiyon pa ang nasabing utos ni Koko sa mas mataaas na hukuman, kaya di pa ito pinal at di pa dapat ipatupad. Ano masasabi mo, President Koko?

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here