[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Mura sa telepono, di makakapigil sa aking tungkulin’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 7, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang malabis na pagkahumaling sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan…” (1 Timoteo 6:10, Bibliya).
-ooo-
MURA SA TELEPONO, DI MAKAKAPIGIL SA AKING TUNGKULIN: Doon sa taong tumawag sa akin noong Martes, Pebrero 06, 2018, na ang numero ng cellphone niya ay 0919 875 4832 at nanggagalaiti sa galit dahil diumano sa payong ibinigay ko sa aking kliyente sa Tarlac City may kinalaman sa isang manggahan sa Bamban, Tarlac, eto ang payo ko para sa iyo o sa grupo mo: ang pagmumura sa telepono ay di makakapigil sa akin sa pagganap sa aking pagiging abogado.
Sa awa ni Jesus na aking Diyos at Tagapagligtas, tatlumpo’t limang taon na akong abogado, at naranasan ko na ang lahat ng galit ng mga kalaban ng mga kliyenteng aking tinutulungan, pati na ang paggamit nila ng mga matataas at maimpluwensiyang mga opisyales ng pamahalaan upang ako ay pinsalain, durugin, at alisin sa pagiging abogado. Pero, sa harap ng lahat ng ito, ipinagpilitan kong maging tapat sa aking tungkulin.
Para sa iyo, ikaw na tumawag sa akin noong Martes na gamit ang telepono mong 0919 875 4832, makakabuti sa iyo o sa grupo mo na pag-aralang mabuti ang inyong pakikipag-usap sa kliyente kong may-ari ng manggahan sa Bamban, Tarlac, at tiyaking hindi kayo nanlalamang lalo na sa tulad ng kliyente kong biyuda na ay bagsak pa sa negosyo. Puwede naman kayong kumita, pero ibigay ang nararapat sa may-ari ng lupa.
-ooo-
MARAMING PINOY MASAMA NA ANG ASAL AT UGALI: Ang ganitong mga pagkilos ng ilang mga kababayan natin ang nagpapatotoo sa masama ng asal at ugali ng maraming mga Pilipino sa kasalukuyan. Dahil sa kanilang matinding pangangailangan marahil sa pera at sa mabilisang kita, wala na silang pakialam pa kung nakakapinsala man sila sa kanilang kapwa, lalo na sa mga ka-transaksiyon nila.
Lumilitaw na ang mahalaga lamang sa ganitong mga tao ay ang kanilang pagkamal ng salapi. Hindi na mahalaga sa kanila kung ang kanilang mga ikinikilos ay nagdudulot ng problema sa ibang tao. Ganundin, nakahanda silang bumangga sa kahit kanino, kahit sa mga nahingan lamang ng tulong ng kanilang mga ka-transaksiyon upang mapabuti lang naman ang sitwasyon.
Sa kaso ng aking kliyente sa Tarlac City na kasapi ng isang malaking grupo sa lunsod at sa Pilipinas, mayroon siyang mga malalaking utang sa ibang mga tao na nagkakahalaga ng halos P10 milyon, na siyang dahilan kung bakit nakaharap siya sa mga kaso ngayon sa iba’t ibang hukuman, at kung bakit ang ilan sa kanyang mga titulo ay nasa kamay ng ibang mga tao.
-ooo-
PROBLEMA, DI MALULUTAS NG KABASTUSAN: Sa paghahanap niya ng solusyon sa problemang ito ng kanyang mga utang, hiningan ako ng aking kliyente ng payo kung ano ang mabuting dapat gawin. Ipinagtapat niyang may mga grupo ng mga taong hindi na din iba sa kanya mula sa Bamban ang nakikipag-usap sa kaniya upang magsama sila sa negosyo sa kanyang manggahan sa Bamban at kumita naman siya.
Ang tanong ng kliyente sa akin, bilang abogado niya, ano daw ba ang puwede niyang hingin sa mga kausap niya sa manggahan niya sa Bamban para magkaroon naman siya ng kahit konting ginhawa sa mga problema niya. Ang sabi ko, kausapin niya ang mga kausap niya na di iba sa kanya, at hingan sila ng advance payment man lamang bago nila ituloy ang negosyo sa mangga.
Mukhang ito ang ikinagalit ng kanyang mga kausap. Noong ngang Martes, Pebrero 06, 2018, tumawag sa akin ang isa sa mga kausap na ito ng aking kliyente at nagmura sa akin. Well, gumanap lamang ako ng aking tungkulin bilang abogado. Problema na ng kausap ng kliyente ko kung di niya nagustuhan ang aking payo, pero maliwanag na hindi malulutas ang problema nila sa ganoong estilo ng pagpapakita ng kagaspangan ng ugali, sa telepono pa./PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]