[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Dapat ding ipasilip sa ICC ang ibang mga pangulo sa isyu ng droga’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 10, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Kung kayo ay may kikilingan o papaboran, nagkakasala kayo sa mata ng batas…” (Santiago 2:9, Bibliya).
-ooo-
DAPAT DING IPASILIP ANG IBANG MGA PANGULO SA ISYU NG MGA PAGPATAY DAHIL SA DROGA: Kung iimbestigahan nga ng International Criminal Court (ICC) ang mga napatay sa inilunsad na digmaan kontra droga ng Pangulong Duterte, di ba dapat ipa-imbestiga din ang mga nakaraang pangulo ng Pilipinas dahil may mga napatay din dahil sa kagagawan ng mga sindikato sa droga, ng mga drug lords, drug pushers, at drug addicts noong panahon nila?
Tiyak na mas marami ang bilang ng mga namatay dahil sa paggamit nila ng shabu o ng iba pang mga ilegal at ipinagbabawal na gamot noong manalasa ang mga sindikato at mga drug lords at drug pushers sa nakaraang mga administrasyon, lalo na sa panunungkulan ng dating Pangulong Noynoy Aquino.
Mas matindi ang bilang ng mga namatay na biktima ng droga sa nakaraang mga administrasyon, kasama na ang mga batang babae na ginahasa bagamat marami sa kanila ang halos sanggol pa lamang, sinunog at pinagputol-putol ang kanilang mga katawan, patunay na mas karumal-dumal ang pagpatay sa mga biktimang ito.
-ooo-
BAKIT DI IPINASILIP NINA TRILLANES, ET. AL., ANG MGA PAGPATAY DAHIL SA DROGA SA MGA NAKALIPAS NA ADMINISTRASYON? Sa totoo lang, mas malaking krimen kontra sa sangkatauhan ang mga naganap sa mga nasabing biktima ng droga sa nakaraang mga gobyerno. Pero, bakit di kumilos noon sina Sen. Antonio Trillanes IV, Magdalo Rep. Gary Alejano, at Atty. Jude Sabio, ang abogado ni Edgar Matobato, upang imbestigahan din si Noynoy Aquino o ang iba pang mga pangulo ng bansa?
Sa mata ng batas, ituturing na may malaking kuwestiyon sa kredibilidad nina Trillanes at ng kanyang mga kasama yung di nila pagkilos noon upang idulog din sa ICC ang mga pagpatay na naganap dahil sa droga sa mga nakaraang gobyerno.
Maipapakitang hindi makatotohanan ang kanilang kasalukuyang reklamo kontra kay Duterte sa ICC, dahil nagsara sila ng mata sa mga kahalintulad na sitwasyon sa nakalipas na panahon. Lilitaw tuloy na ang reklamo ngayon kay Duterte sa ICC ay isinampa nila dahil lamang sa kalaban sila ng Pangulo sa pulitika, o di kaya ay may nagpapakilos sa kanila.
-ooo-
PAGKILING O PAGPABOR, KASALANAN: Sabi nga ng mga matatagal ng kautusan, hindi dapat nagpapakita ng pagkiling ang sinuman, sa pamamagitan ng pagpabor sa sino mang tao. Ang utos ay maliwanag: kung may nagawang mali ang sinuman, sila ay dapat papanagutin, at huwag silang itatangi pa.
Kasalanang ituturing ang anumang pagkiling sa mga may nagawang pagkakamali. Ayon sa nakakagaling na mga utos, may parusang naghihintay sa mga pumapabor sa kanilang kapwa, kahit di ito makatwiran, gaya ng lumilitaw na pagpabor nina Trillanes, et. al. sa mga nakaraang pinuno ng bansa, na hindi nila pinaimbestigahan sa ICC sa mga napatay dahil sa droga sa panahon ng kanilang panunungkulan.
Saan patungo ang reklamo nina Trillanes laban kay Duterte sa ICC? Maaaring manalo o matalo sila, depende na kung ano ang mga katibayang ilalabas ng magkabilang panig kung sakaling ituloy ng ICC ang imbestigasyon. Ang problema nina Trillanes sa ngayon, itinuturing na silang nagkasala dahil si Duterte lamang ang kanilang pinaiimbestigahan. Kung naniniwala tayo sa Bibliya, tiyak ang parusa kina Trillanes, et. al.
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]