[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Mga kuwento ng batang pag-ibig sa buwan ng mga puso’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 12, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… `At ngayon, ang tatlong ito ang nananatili: pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinaka-dakila sa lahat ay ang pag-ibig…” (1 Corinto 13:13, Bibliya).
-ooo-
MGA KUWENTO NG BATANG PAG-BIG SA BUWAN NG MGA PUSO: Masinsinan ang pag-usap ng dalawa, at bakas sa mukha ng batang lalaki ang pagsusumamo sa kanyang kaklaseng babae. Ang kanilang mga kaklaseng nasa ika-apat at huling taon na din ng high school noon, gaya nilang dalawa, ay walang kamalay-malay (at, marahil, ay walang pakialam) sa masidhing pakiusap ng lalaki sa babae.
Malapit na kasi ang araw ng mga puso noon. Nais ng batang lalaki na maipaabot, kahit sa pamamagitan ng sulat man lamang, ang inaakala niyang nilalaman ng kanyang batang puso sa kaklase nila ng babaeng kanyang kinakausap upang siyang mag-abot ng sulat. Sabi ng batang lalaki sa pinakikiusapan niyang magpadala ng sulat, “tulungan mo naman ako.” Sa kanyang katuwaan, pumayag ang pinakikiusapan niya na iabot sa kanilang kaklase ang sulat niya.
Nag-umpisang magsulat noon din ang batang lalaki ng akala niya ay nilalaman ng kanyang puso. Ngunit, sa kanyang pagkamangha, ang hindi maalis-alis sa kanyang balintataw, at nag-umpisang magbigay ng bagabag sa kayang murang puso, ay ang mukha ng babaeng kanyang pinakikiusapang maging “tulay” sana niya sa dapat ay susulatan niyang kaklase.
-ooo-
KALITUHAN SA PAG-IBIG NG MGA BATA PA LAMANG: Itinigil ng batang lalaki ang kanyang ginagawang sulat. Huminga siya ng malalim, ipinikit ang kanyang mga mata, at pilit na inaarok ang kanyang isip at puso. Ang hindi niya maunawaan, nagkakaroon siya ng kalituhan—isang kalituhang bago sa kanyang damdamin, bagamat tila may dulot itong kiliti at kakaibang inspirasyon sa kanyang puso.
Habang nagsusumikap siyang pagtagpi-tagpiin ang mga salitang magpapahayag sana ng kanyang nararamdaman sa nauna niyang nais padalhan ng sulat, nagsusumiksik naman ang mukha ng pinaki-usapan niyang maging “tulay.” Ano ba ang nangyayari, tanong niya sa kanyang sarili. Ang tanong ay walang naging kasagutan kahit halos hindi siya nakatulog ng buong magdamag na iyon.
Kinabukasan, noong magkita sila ng kanyang “tulay,” nagtanong ito sa lalaki kung nasaan na ang kanyang sulat sa kanilang kaklase. Walang imik na iniabot ng lalaki ang sulat sa “tulay,” na nagsabing ibibigay na niya agad ito sa kanilang kaklase. Pagkatapos noon, lumipas ang maghapon sa kanilang paaralan, hanggang sa mag-uwian na silang lahat.
-ooo-
BALISANG PUSO, LITONG ISIP: Balisa at tila sasabog ang puso ng batang lalaki noong gabing iyon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang iisipin. Ang dahilan, ang sulat na ibinigay niya sa kaklaseng “tulay” sana niya sa isa pa nilang kaklaseng babae ay hindi para sa nauna niyang nais sulatan. Sa halip, ang sulat ay naglalaman ng pagpapahayag ng batang lalaki para sa “tulay” mismo.
Matindi ang kabog ng dibdib ng batang lalaki noong magkita sila ng kanyang “tulay” kinabukasan. At nautal siya, at hindi makahanap ng sasabihin, noong nagtanong ang “tulay” ng ganito: “para kanino ba talaga yung sulat mo?” Tatakbo na sana ang lalaki dahil sa labis na hiya upang lumayo, pero, napatigil siya at pumintig ng mabilis ang kanyang puso noong sinabi ng “tulay” na gusto niyang mag-usap silang dalawa.
Sa library ng paaralan sila nag-usap, at doon nagkaroon ng pagkakataong maintindihan ng dalawa ang mga murang damdamin nila. Sa maikling panahon natira sa kanilang high school days, naging mahalaga sa dalawa ang awiting “Someone Who Cares,” na piniling patugtugin ng “tulay” noong sila ay nasa bahay ng isa nilang kaklase. Ano ang nangyari pagkatapos? Well, may iba palang balak ang Diyos sa kanila! Abangan ang karagdagan ng kuwento ito ng batang pag-ibig!
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o magpost sa www.facebook.com/angtangingdaan. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]