[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Diborsiyo sa RP: sino ang may sala?’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 20, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: â⌠`Galit ako sa diborsiyoâ, sabi ng Panginoong DiyosâŚâ (Malakias 2:16, Bibliya).
-ooo-
ISA PANG KAPALPAKAN SA SCTEX AT NLEX: O, eto pa ang isang kapalpakan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (o SCTEX), na pag hindi natugunan ng maaga ay tiyak na magiging ugat ng milya-milyang trapik sa mga toll gates papalabas na ng highway: nag-iisa lang ang mga tellers na tumatanggap ng bayad, kaya naman ang tagal ng pila bago makapagbayad ang isang motoristang papalabas na.
Nasubukan ko ito, kasama ng asawa ko at anak ko, noong Sabado ng dapithapon na, Pebrero 17, 2018. Galing kami ng Paniqui, Tarlac, at naisipan naming kumain sa isang restaurant sa isang hotel sa loob ng Clark Freeport Zone kung saan masarap ang kanilang ubod ng nipis na pizza, na ginagamit pambalot ng mga dahon-dahon at mga halamang halos ugat na lamang ang nakikita.
Nagpasya akong sa Clark South exit kami lalabas. Akalain ba ninyong halos 45 minutos kaming nakasalalak, una sa gilid ng SCTEX patungong Subic Bay, tapos sa papasok na sa toll gate para magbayad ng toll fee! Ang ganitong kabagalan ay nakita din namin sa San Fernando, Pampanga exit at sa Hacienda Luisita, San Miguel, Tarlac  exit sa North Luzon Expressway (NLEX). Tiyak na delubyo ang aabutin ng mga motoristang papunta ng Norte sa Holy Week nito!
-ooo-
SINO ANG TITIYAK NG KATAPATAN NG MGA NEGOSYANTE SA MGA KUSTOMER? Marapat lamang maging maingat at mapagsuri ang mga kumakain sa maraming mga restoran sa kasalukuyan, upang hindi nila maranasan ang naging karanasan ko sa isang fastfood chain sa gilid ng kalsadang mula sa Costal Road, at kalapit na din halos ng Aguinaldo Highway, sa Bacoor City, at nakapangalan pa mandin sa isang sikat ng American folk singer na kailan lang ay nasa Pilipinas.
Naengganyo kasi akong bumili ng kanilang soup at salad, kasi maganda ang itsura ng mga ito sa kanilang menu—malalaki ang mga lalagyan, at tunay namang nakakapaglaway ang itsura ng mga ito sa halagang P120.00 lang. Noong makita ng serbidora na nakatitig ako sa nakalitratong soup at salad sa kanilang menu, bigla siyang nagsabi na malayo daw mas maliliit ang sukat ng kanilang ibibigay sa akin.
Sabi niya, baka daw magulat ako at hindi yung inaasahan kong laki ang ibibigay nila sa akin. Ang nangyari, hindi ko na inorder ang soup at salad nila. Kumuha na lang ako ng iba. Hay naku! May ahensiya ba ng pamahalaan ang kumikilos upang tiyakin na ang mga nakalagay sa mga menu o sa mga advertisement ng mga kompanya ay yun mismo ang makukuha ng mga bumibili sa kanila?
-ooo-
SINO ANG DAPAT SISISIHIN SA NALALAPIT NA DIBORSIYO SA RP? Sa mga tumututol sa pagkakaroon ng diborsiyo sa ating bansa sa malapit na hinaharap, ang dapat ninyong sisihin ay ang Pangulong Corazon Aquino at ang kanyang mga legal advisers noong mga taong 1987-1988, dahil sila ang gumawa ng paraan noon pa man na magkaroon ng pagbabalewala ng kasal sa Pilipinas na mas malala sa diborsiyo.
Noong hawak pa ni Cory ang buong pamahalaan matapos siyang magtatag ng Revolutionary Government at itayo ang kanyang âFreedom Constitutionâ—o noong panahong siya ang diktador ng bansa—naglabas siya ng tinatawag nilang Family Code. Sa batas na ito, nandodoon ang annulment of marriage, dahil lang sa tinatawag na kawalan ng kakayahang sikolohikal ng mag-asawa na gampanan ang kanilang mga tungkulin.
At mas masama sa diborsiyo ang annulment ni Cory dahil may bisa ang nasabing annulment niya mula sa umpisa ng kasal, na para bang walang anumang kasal na naganap talaga. Ang diborsiyo, halimbawa sa Amerika, may bisa lang sa petsa ng pagpapalabas nito. Talaga namang nakubabawan na tayo ng kasamaan noon pa man!
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]