[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’‘Ibasura ang TRAIN’’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
LETTER TO THE EDITOR
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Sunday, February 25, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
KAMI – mga manggagawa, prodyuser at empleyado, guro at estudyante, manininda at mamimili, drayber at komyuter, maliliit na negosyante at konsyumer, mga ordinaryong Filipinong naghahangad ng disenteng buhay – ay mariing tumututol sa pagkakapasa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na daliang inapbrubahan kahit walang korum ang Kongreso at habang abala ang lahat nitong nakaraang panahon ng Pasko.
Dahil sa TRAIN Law, lalong hihina ang kakayahan ng aming pamilya upang tugunan ang aming mga batayang pangangailangan.
Sa pagpasok pa lamang ng 2018, kaliwa’t kanang pagtataas na ng presyo ang sumalubong sa amin, kabilang na ang sa produktong petrolyo (kasama ang Diesel at LPG), kuryente, bigas, at pati na gamot.
Hindi namin tinatanggap ang paliwanag ng ating mga economic managers sa pamahalaan na wala raw kinalaman sa TRAIN ang mga pagtaas ng presyo ng bilihin. Sa pangangailangang ibiyahe ang mga produkto at materyales, tumataas ang presyo ng mga batayang bilihin dahil sa pagtaas ng presyong pampetrolyo.
Mananatili ang pagkakaisa naming mga konsyumer at maliliit na manininda sa kabila ng paninisi ng mga economic managers ng gobyerno sa mga retailer dahil sa pagtaas ng mga presyo. Potensiyal na pagbaba sa kita ng mga manininda ang bawat dagdag presyo dahil sa TRAIN.
Ngayon pa lamang, bigat na bigat na kami sa pagtaas ng mga presyo, ano na ang mangyayari sa amin sa Marso kung kailan sinasabi ng gobyernong tunay na papalo ang epekto ng TRAIN?
Labis na nga ang pag-aalala maski na ng mga regular na sahurang empleyadong nawala o napababa ang buwis sa TRAIN. Kasi naman, mawawalang-bisa lamang sa epektong pagtaas ng mga presyo sa ilalim ng bagong batas ang kalakhang dagdag sa mga takehome pay. Dagdag pa rito, dinadahilan na ng malalaking kumpanya (halimbawa, ang Coca-Cola) ang TRAIN upang magbawas ng mga tauhan.
Pansamantalang panakip-butas naman ang sabsidyong ibibigay raw sa pinakamahirap na sampung (10) milyong Pilipino. Bigyang-pansin na iiral ang TRAIN lagpas sa tatlong taong sakop ng panukalang sabsidyo.
Kaya nagsama’t nagkaisa kaming mga ordinaryong Filipino – mga manggagawa at empleyado, guro at estudyante, manininda at mamimili, drayber at komyuter, maliliit na negosyante at konsyumer – bilang Network to StOp (Stakeholders Oppose) TRAIN.
Ang aming panawagan:
- Stop STRAIN law – Ipawalang-bisa ang TRAIN law sa pinakamadaling panahon!
- Para sa tunay na inclusion, alisin ang excise tax at value-added tax na pasan ng lahat maski na ng pinakamahihirap; sa halip, idisenyo ang sistemang pambuwis na nakabatay sa kapasidad ng taong magbayad.
- Para sa tunay na acceleration, ayusin ang koleksiyon ng buwis, pasakan ang mga tagas sa sistema nang hindi makalusot ang mga pinakamayayamang ayaw magbayad ng tamang buwis. – GABRIELA Alliance of Women <www.gabrielaph.com>, < www.facebook.com/gabriela.alliance>, Twitter: @gabrielaphils
[/av_textblock]
[/av_one_full]