[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Mga Americano ang tunay na bida sa EDSA 1986′ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Monday, February 26, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ipapalusob kayo ni Yahweh sa isang bansang mula pa sa kabilang panig ng daigdig. Hindi ninyo alam ang kanilang wika. Simbilis ng agila na sasalakayin nila kayo. Matitigas ang kalooban ng mga taong iyon, at walang awa sa matanda man o bata. Uubusin nila ang inyong mga hayop, pati ang ani ng inyong lupain. Wala silang ititira sa inyong ani, inumin, langis, baka o kawan, hanggang sa kayo’y malipol…” (Deuteronomio 28: 49-51, Bibliya).
-ooo-
MGA AMERICANO ANG TUNAY NA BIDA SA EDSA 1986: Paumanhin po, Pangulong Duterte, pero ang tunay na dapat bigyan ng kredito sa EDSA 1986 power grab o pang-aagaw ng kapangyarihan mula sa mga lehitimong opisyales na inihalal ng sambayanan ay hindi ang mga Pilipino, kundi ang Estados Unidos, na siyang tunay na kumilos noon.
Maliwanag po ang kasaysayan ng Pilipinas. Kung mga Pilipino lang ang nagsasagawa ng mga malawakang pagkilos, kabiguan lamang ang kanilang nakakamtan. Kaya naman noong EDSA 1986, tiniyak ng mga nag-aklas laban kay Pangulong Marcos na kakampi nila ang gobyerno ng mga Americano noon. Yun po ang dahilan, Mr. President, kaya napalitan ang gobyernong Pilipino noong mga panahong iyon. Ang America talaga ang bida sa EDSA 1986.
-ooo-
BAKIT NGAYON LANG NAGPO-PROTESTA ANG MARAMI SA ISYU NG DROGA? Iginagalang ko yung mga nag-martsa noong Pebrero 24, 2018 sa Cebu City upang diumano ay kondenahin ang mga nagaganap na pagpatay sa bansa, partikular sa isyu ng ilegal na droga. Okay po yung ganoong mga pagkilos ng mga kababayan nating mga Cebuano.
Ang problema lang, itong mga nag-martsang ito noong Sabado ay tahimik lamang noong mga panahong iba ang pangulo ng bansa, kung saan ang mga kababayan natin ay walang awang pinagpapatay, ginagahasa, o binibiktima at inaabuso ng mga sindikato ng droga, ng mga drug lords, at ng mga drug addicts. Bakit kaya ngayon lamang nag-i-ingay ang mga ito, ngayong si Duterte na ang president?
-ooo-
DOUBLE STANDARD SA MGA PRESS FREEDOM ADVOCATES: Nananawagan ako ngayon sa mga nagsasabing sila ay press freedom advocates, o yung mga nagsasabing sila daw ang tagapagtanggol ng kalayaan sa pamamahayag sa bansa. Magsalita naman kayo sa kasong libelo na isinampa ni dating Health Secretary Janet Garin laban kay dating Health Secretary Pauline Ubial, sa isyu ng kontrobersiyal Dengvaxia vaccine.
Kasi, dakdak kayo ng dakdak sa press freedom, pero tahimik kayo at wala kayong sinasabi sa dapat ay pagpapatalsik ng mga batas sa libelo sa bansa. Ang libel ang siyang pinaka-kalaban ng malayang pamamahayag. Sinisikil nito ang malayang talakayan. Bakit di ninyo ito tinututulan? Bakit di kayo kumikilos upang tanggalin ang libel? Double standard talaga kayo, oo!
-ooo-
PROBLEMA SA OFWs, MAGPAPATULOY HANGGANG DI TAYO NATUTUTO: So, nahuli na ang dalawang suspek sa pagpatay sa OFW na si Joanna Demafeles at ngayon ay ihaharap sa paglilitis. Tapos na ba ang problema natin sa mga abuso at mga pagpatay ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa ibang mga bansa? Maliwanag na hindi pa, kaya’t wala tayong dapat ipagbunyi sa mga arestong ito.
Dapat nating patuloy na kilalanin—at gawan ng remedyo batay dito—na ang pagiging OFW ng mga Pilipino ay ibinabala ng Bibliya na magaganap sa ating mga anak, dahil tayo ay isang bansang di na nakikinig sa tinig ng Diyos at di na sumusunod sa Kanyang mga utos. Matatapos lamang ang problema sa OFWs kung babalik ang sambayanan sa Diyos ng totohanan, anuman ang tawag nila sa Kanya.
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]