ILOILO City – Hinihikayat ng mga taong nagtataguyod ng wikang Filipino na gamitin palagi ito at hindi ikahiya.
Ang nakaraang buwan ng Agosto ay ipinagdiwang ng buong Pilipinas na “Buwan ng Wika” na may temang“Filipino: Wika ng Saliksik.”
Sabi ni Professor Romeo Espedion Jr., direktor ng Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa Rehiyon 6, huwag ikahiya na gamitin ang wika nating mga Pilipino dahil ito lang ang paraan para mapakita at maparamdam na mahal natin ito.
“Huwag nating ikahiya ang wika natin. Ako ya way gid ako nahuya mag-Filipino. Ito lang ang paraan para ipakita na talagang mahal mo. Hindi lang sinasabi na mahal, dapat ginagawa,” sabi ni Espedion na isa ring associate professor ng Filipino subject ng College of Education ng West Visayas State University (WVSU) main campus.
Dagdag niya, “Kung ano ang wika mo, ‘yyn ang pagkatao mo.”
Inamin ni Espedion na nagbabago ang wika kasabay ng pagbabago ng panahon, partikular na ngayong panahon ng mga millennials.
“Isa sa mga characteristics ng wika ay nag-cha-change pero hindi ibig sabihin na tuluyang iwaksi at tapusin ang luma kundi panatilihin ito,” dagdag pa ni Espedion.
Sa pagmamasid ni Espedion, mas madali na mauugnay ang millennials sa text at social media at malaki rin ang impluwensya ng media kung saan mas madali ang komunikasyon kung English ang gamitin.
“Dala ng kanilang panahon, hindi maiiwasan na may shift. Kung ano ang in ngayon doon sila,” dagdag pa ni Espedion.
Kaya sabi ni Espedion ang papel nga paaralan, pamantansan, media at mga tanggapan na siyang naatasang magpalaganap at magpapanatili ng wikang Filipino ay dapat pursigido na panatilihin ang pagamit ng wika.
Sinang-ayunan ito ni Noel Galon, isang full-time member ng University of the Philippines (UP) High School na nagtuturo ng Filipino at Creative Writing.
Sabi ni Galon, gamitin ang Filipino language bilang national language hindi lang sa loob ng paaralan; sa labas din o ‘di kaya’y sa pangkaraniwang pag-uusap.
“Language mirrors our culture. Kung paano mo ginagamit ang iyong wika, amo ka na nga klasi sang tawo. Kaya mo kilalanon ang isa ka tawo, sa klasi sang lengwahe nga ginagamit,” sabi ni Galon, isa ring founder-publisher, critic at editor ng Kasing-kasing Press na may layuning itaguyod ang West Visayas Literature.
Napansin rin ni Galon na may mga tao na parang ikinakahiya ang pagamit ng wikang Filipino at pinipili na gumamit ng English.
Ito rin ang nakikitang rason ni Galon sa pagsabi na sa hindi kalaunan maaring mamatay ang Filipino language matapos i-dominate ng isang wika katulad ng English.
Sabi pa ni Galon na kahit ang nakasulat sa libro, newspapers at ginagamit na medium ng mga media at academe ay English.
“Gina-dominate sang isa ka language ang tanan nga mga bagay nga ara sa society. So, ang tanan nga updated nga butang parehas sang educational materials nakasulat sa English,” sabi pa ni Galon.
Kaya ito ang dahilan kung bakit sa UP High School o kahit sa ilang academe, pinipilit nilang mga teachers na makagamit ng wikang Filipino kahit na English o Mathematics ang subjects.
At mayroon rin Sentro ng Wikang Filipino sa UP Visayas na tumataguyod ng wika para mapanatili ang paggamit nito ng karamihan.
Halimbawa ni Galon nga wika na namatay, ayon rin sa language expert na si Resty Cena, ay ang Latin matapos na hindi na ginagamit ng karamihan, at wikang Agta ng Bataan province na 500 na katao na lang ang gumagamit.
Mayroon rin posibilidad na makasama ang Hiligaynon na mawala pero sinabi ni Galon na matagal pa itong mangyayari.
Kaya inimungkahi ni Galon ang mga dapat gawin para mapangalagaan ang wikang Filipino. It ang mga sumusunod:
* Una gamitin ang Filipino language.
* Kailangan itaas natin ang diskurso ng paggamit ng Filipino.
* Kailangan gamitin ang Filipino sa usaping politikal, usaping may kaugnayan sa komersyo.
* Kailangan gamitin ang Filipino sa mga bagay may kaugnayan sa kapayaan pang-nasyonal
* Kailangan natin ng translation – translate literature ng bansa sa Filipino para mabasa ito ng maraming Filipino.
* Gamitin ang Filipino sa panaliksik.
Pero nilinaw ni Galon na pagsinasabing national language, hindi ito tumutukoy sa Tagalog; ito ay kombinasyon ng Tagalog at ibang wika mula sa iba’t-ibang rehiyon sa Pilipinas.
Ito ang dahilan kung bakit may inisyatibo ang gobyerno na i-standardize ang Filipino language.
“I think it’s about time to correct ang pagamit natin ng Tagalog because ang Tagalog is also like Hiligaynon, Cebuano, Waray…mga katutubong wika ang tawag. One of the eight major languages ang Tagalog that will eventually contribute sa development ng Filipino as a national language,” sabi ni Galon.
“Ang Tagalog, Hiligaynon, Waray and other major languages sa Pilipinas mag-contribute, magpahiram ng mga terms na wala sa Filipino language. We engineer the language. Ang Filipino language as a national language hindi pa sia ya buo,” dagdag ni Galon. “National language is a representation of the entire country.”/PN