Robin Padilla defends his film: ‘Huwag niyo akong buwisitin’

DURING the recent press conference for his comeback action film “Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa story,” lead star Robin Padilla asked help from the media to help clarify issues about the film.

Sana huwag tayo ma-involve sa kontrobersiya ng politika kasi nakakalungkot yun kung mapagbibintangan niyo kami na gumagawa kami ng propaganda. Sana yung mga ganung klaseng bintangan, ganung klaseng pukulan, isantabi muna natin. Isipin na lang natin nagkaroon kami ng trabaho, nakapagbigay kami ng trabaho sa mga stuntman, sa mga utility, maraming tao ang nagkaroon ng trabaho dito,” he said.

The top action star hope people can give the film a chance before judging it.

Sana tingnan din ninyo yung storya bago niyo sana mahusgaan kami, panuorin niyo muna po yung storya ni general Bato kung talagang worth it ba na gawing pelikula. At dun naman sa mga pulitiko na walang sawang kababakbak, pambihira naman kayo, lumamig na nga ulo niyo, hindi ko na nga kayo linabanan eh. Kung linabanan ko kayo eh di wala na kayong upuan diyan,” he said.

Robin added that he does not want people attaching him to any political agenda.

Huwag niyo akong buwisitin. Huwag niyo na ako asarin dahil hindi niyo ako kalaban. Ako artista lang, nagtratrabaho lang ako. Hindi ako tamang senador. Hindi ako yung senador kaya huwag ako ang bakbakan ninyo. Ako nagtratrabaho lang ako, gusto ko lang masaya ang mga tao. Gusto ko lang makapagbigay ng magandang entertainment. Kaya mga mahal kong kababayan, bigyan niyo ako ng break. Bigyan niyo kami ng break. Bigyan niyo ng break ang action movie. Dahil pag binigyan niyo ng break ang action movie, napakarami mong magkakatrabaho at lahat tayo diyan ang mag-e-enjoy at lahat tayo diyan ay magsasama-sama at lahat tayo diyan makikinabang,” he explained.

The actor said if there is one thing he hopes the movie can do, it is to change people’s misconception about the popular general.

Na mamamatay tao lang siya. Dito makikita na hindi siya ganun. Ginawa  natin siya masyadong beast. Hindi siya beast. Tao po siya at siya ay nag-perform ng trabaho niya. Matagal ng mataas ang rating ni general Bato. Sa aking palagay, mas makakatulong ang pelikula para makilala siya ng tao. Kasi sa usapin na sino ba talaga siya, binasa lang ng mga tao or nakinig lang ang mga tao sa alam mo na, eh hindi mo siya makikilala,” he shared. (Push)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here