Doon po sa DepEd, Part 2

PERHAPS I should explain that I am mostly wonderful when I am somehow triggered by nincompoops.

I’m not suggesting that the teacher who triggered my essay is stupid.

It’s just disheartening for me to see how certain people would try to defend the things that are obviously wrong.

So between one person’s feelings and the common good, I am necessarily drawn to defend the disenfranchised and disadvantaged majority.

*

In Part 1 of this essay, I enumerated the causes I fight for:

1) the students

2) the teachers

3) the parents

4.) the state of education in the country with our current DepEd

*

I think it is obvious in this succeeding section what triggered me to react with an essay on a reaction to my original post.

The original post was me calling on DepEd for their incompetent modules that have made the rounds of social media, and the national news.

I think the teacher was trying to call me on my strong language (harsh words, s/he said).

So, of course, I react with a writerly defense. 

Using my strongest, most impactful, words. 

Witness:

*

Hayaan n’yo po ako sa choice of words ko

Writer po ako. 

Kalkulado ko po ang mga salitang ginagamit ko. 

Kaya ko po itong panindigan at ipaglaban.

(Itakwil man ako ng ibang writers who are just playing it safe.)

Maipagtatanggol ko rin po ang sarili ko. 

Hindi kasi ako bayaran ng DepEd, o nang sinumang Poncio Pilato.

Kumakain rin ako ng mga bashers sa umaga.

(Gusto ko sanang sabihin na “kinakain ko rin” pero parang masagwa sa pandining.) 

Tea, gusto mo? 

*

At alam n’yo kung bakit walang panalo ang mga bashers sa akin? O ang mga pabebe at papansin na katulad mo? 

Kasi po, alam ko ang mga pinagsasabi ko, kalkulado ko ang mga salita ko, at sa panig po ako ng katotohanan at kabutihan.

(Read on para malaman mo kung sino ang “Sugo.”)

*

Hindi man po ako humihingi ng likes at shares, nagkukusa po ang mga tao na i-like at i-share ang mga posts ko. 

Bakit po? 

Kasi iyon din po ang gusto nilang sabihin pero hindi lang nila masabi.

*

Pero balik po tayo sa original na post ko at sa DepEd. 

Ang panawagan ko po ay “to prove” — patunayan, ng DepEd na mali akong tawagin silang bobo at palpak.

Sana po maamin ninyo na hindi perfect ang DepEd. 

Na may mga kakulangan at kahinaan na pwedeng ma-improve at mapabuti. 

Wala na pong pag-asa ang DepEd kung ikaw na teacher mismo ay naniniwalang walang mali sa sistema ng edukasyon sa bansa. 

O dapat pagtakpan na lang, o manahimik na lang sa mga kakulangan at katiwalian ng DepEd at sector ninyo.

*

May mga anak po kayo; ako, wala. 

Nasa payroll po kayo ng DepEd, may kaunti na po akong perang naipon hanggang sa ikamatay ko.

Kaya matapang ako magsalita para sa mga walang boses, o sa mga mahihina ng boses, o sa mga pabebe na hindi kayang magmura kahit na tinitira na sila sa puwet.

*

Hindi po ako bastos. 

Makulay lang po ang pananalita ko.

At effective naman sa milenyong ito kung saan ang mga batang paslit at mga guro ay nagsasayaw na parang mga pokpok sa TikTok at mga school programs ninyo.

Mas bastos po ang mga nagvivijakol sa Twitter.

Mas bastos po ang mga nagnanakaw sa gobyerno o nanlalamang sa mahihirap.

*

Ayoko lang na binababoy ng mga nagmamarunong ang mga Pilipino. 

Kung wala po akong nakikitang mali, hindi po ako magsasalita. 

Busy rin po ako. 

May lovelife din po ako kahit papaano. (To be continued/PN)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here