
TAMA po ‘yan, according to the Gospel of Peter, The PSN, that’s the new meaning of LOL:
Legacy. Of. Love — ang Pamana ng Pagmamahal (‘wag namang gawing PnP, at magmumukhang pulis ‘yan!).
*
Lahat naman tayo ay pag-ibig at pagmamahal ang hanap.
Nakukuha natin ito sa iba’t-ibang tao (o aso): sa mga magulang, kapatid, kapamilya, sa mga kaibigan, mga guro at kaeskwela, mga kasintahan, idols at mga hinahangan, fans at mga humahanga sa atin, sa simbahan at kapananampalataya, kabiyak, asawa, live-in partner, kerida at kerido, at sa mga aso nga at iba pang alagang hayop! (Ay, pusa ka!)
*
Pero mapili pa rin tayo sa ating mga minamahal: ‘yong guapo lang at maganda, ‘yong mabait at may abilidad, mabuti ang kilikili, at katulad lang natin sa relihiyon at paniniwalang politikal, ‘yong hindi dugyot at di-amoy imburnal.
Ayaw din natin sa may mga kapansanan, lalo’t sa lumpo at retarded.
*
Mapili rin tayo sa mga taong dapat magmamahal sa atin.
Kawawa lang silang may crush sa atin, pero hindi natin ika-crush back; mga nanliligaw sa atin, pero hindi natin pinapansin, ‘yong mga torpe na iniirapan lang natin.
Nagrireach out din kung minsan ang mga magulang sa atin, pero hindi sila ang hinihintay nating kalinga.
Mas mahal lang natin ang mga hindi nakatingin sa atin, mas inaasam natin si Crush, kahit pa patay na patay sa atin si Bestfriend.
*
This is all okay. Naranasan ko rin ang lahat ng ito.
Hanggang nga sa dumating na lang kayo, mga lintek kayong Facebookers, sa buhay ko.
Naging masaya ako sa inyo, kahit hindi naman ako lonely.
Ibig ko lang sabihin, ibang level ang saya ko na virtually nakakasama ko kayo online.
*
May mga good friends talaga ako at best friends in real life.
And I know I’m a good friend kasi ako ang takbuhan ng mga tao.
Marami sa kanila ang gustong magkajowa ako, para raw maging mas masaya ako.
Marami rin sa kanila ang mga contravida; ayaw akong magkajowa at baka raw maiecha-puera o maisantabi sila. Mga sakim at gahaman!
*
Gago ako at romantic. Mabilis akong main love.
Marupok din ang lolo ninyo.
But I like falling in love. Masarap magmahal.
Maano ba kung masasaktan? Basta makaranas lang ng pag-ibig!
*
Kesa naman walang ka ngang pasa at sugat, di ka nga dinugo; pero di ka naman nasarapan, di ka nakatikim.
At wala kang ikukwento sa pagtanda, o bago ka mamatay.
*
I’m 51. Pero pusong bata pa rin ako.
Pusong teenager din kung main love. May pagkabobo.
Kung di ba naman, magkakacrush ba ako sa gwapong profile pics na alam ko namang sa artista at hindi talagang sa inyo?
*
Mukhang masarap ang amoy ng kilikili kung batayan ang photo, pero di natin alam ang panghi at lansa ng B.O. sa tunay na buhay.
And yet, ang puso ay kinilig, lumandi, umaasa, di nakatulog. (Nagpuyat sa Facebook ampotah!)
*
Imaginine n’yo pa ang pusong bading na naghumaling sa isang in real life ay di guapo, mukhang dugyot; at ang pinakamasaklap, doon sa isang CRP nga at hitad pala ampotah!
*
Pero masaya. As in, Laugh Out Loud na LOL.
May ikukwento sa pagtanda. Kung may ikatatanda pa.
At habang in love kasi ako, mabait ako sa mundo, matulungin, mapagpatawad, mapagpasenya. Nakakalimutan ko ang 51 years kong delayed na regla.
*
Dahil in love, pumipink ang heart ko.
(Gago, nagkukulay pink, “pumipink”, hindi “pumipitik.” Basahing mabuti kasi!)
Natututo akong magsabi ng “Love you” at “Love you much.”
Inaalala ko kayo — “Stay safe. Ingat sa COVID. God bless!”
*
‘Yon ang gusto kung ituro dito sa The House of Peter (THP na ‘yan, ‘wag nang mag-imbento ng THOP or THoP, three letters lang tayo, parang airline code), ang Legacy of Love o Pamana ng Pagmamahal.
Magiging PPP ‘yan kung mag-insist kayo na Pamana ng Pagmamahal ni PSN.
*
Kung may iiwan man ako sa mundo, kung may ipapamana sa inyo (sa jowa ang bahay at kotse!), iyon sana ay ang maalala ninyo na ako’y nagmahal din, nagmahal ng maraming beses at nasaktan, di itinadhana, di nagkatuluyan, pinaasa lang ampotah! Pero…
Pero patuloy na nagmamahal at magmamahal, nagbabahagi ng pagmamahal, at nagtuturo ng pagmamahal.
*
For most of November, I was online talking to kids, teenagers mostly, of the role play writing community.
I felt the need for me to affect their “lost” online wanderings.
On December 1, 2020, I established The House of Peter on Facebook.
This is Part 1 of my Inaugural Speech, which will continue as “Truth, Beauty, and Goodness.” (To be continued/PN)