The Pink Bias, Part 5

NASAAN ka nang idineklara ang Martial Law?

Nasaan ka nang inassassinate si Ninoy Aquino?

Nasaan ka nang 1986 People’s Power sa EDSA?

Nasaan ka nang dinestabilize ng mga coup d’etat ang pamahalaan ni Cory Aquino?

Kasi ako, nakita ko ang mga ginawa at epekto ng pagkagahaman sa kapangyarihan ng diktaturya ni Marcos.

And my instinctive intelligence was to take the side of my suffering people.

***

Sa lahat ng surveys noon para sa snap elections ng 1986, si Marcos ang number one.

Pero ramdam ko ang groundswelling ng suporta kay Cory.

Naiiyak ako na ang mga tao ang nagtulong-tulong para sa kampanya ng biyuda ni Ninoy.

Parang kampanya ng biyudang si Leni ngayon.

Nabuhayan ako ng pag-asa, at ng damdaming lumaban sa Kasamaan pero hindi gumagamit ng karahasan.

Naiiyak ako na ang simpleng kulay na Dilaw ang naging simbolo ng pag-asa noong 1986.

Parang kulay Piink ni Leni nitong ating panahon.

***

Masaya ako na may hinahon at kabaitan at pakikipagkapwa sa kampanya ni Leni.

Suportado ko ang ganyang mga inisyatibo.

Pero ako, handa na akong maging bad boy. Handang makipagbardagulan online.

Kasi ang ibang kandidato, marumi ang laro.

And I’m done being a goodie-goodie.

***

Hahayaan kong si Leni na lang at ang mga Kakampinks ang mabait.

Pero ako, lalaban ng gago-sa-gago. Matalino-sa-bobo.

Dahil matanda na ako. 52.

And this is could be my last big fight for my country.

I’m not taking chances.

I don’t have much faith in the Filipino voters anymore.

***

So yeah, Serenity Prayer:

Thank you, Lord God, for the Wisdom to see everything from a distance.

For the Courage to fight the idiots, the stupids, and the bobos.

And for the Serenity to accept that if people cannot be changed by my own witnessing, they can just f*ck themselves.

***

Lord, naiintindihan ko na kung naghahanap pa sila ng evidence or proofs of plunder and ill-gotten wealth, talaga pong bobo sila. No instinctual intelligence.

Doon po sa apologists na nagsisimula sa “The sins of the father are not the sins of the son,” sana po, matauhan sila sa first five words.

Kasi, the sins of the father are many. At lahat ito ay namana ng son, at na-enjoy ng family nila!

***

Sa mga tanga naman po na naniniwala na kailangang iluklok sa pagkapangulo ang anak ng diktador para masauli ang ill-gotten wealth (asa ka pa!), tamaan po sana sila ng COVID at kidlat.

The world will be better with less stupid voters.

Keywords: ill-gotten wealth.

Funny word: maisauli, or isasauli.

Ang ninakaw ay ninakaw, at napakinabangan na.

Wala po tayong moving on habang walang paghingi ng kapatawaran, walang pagbayad (reparation), at walang pagsisisi.

***

Hindi lang po kasi pera ang ninakaw.

Ninakaw din ang dignidad.

At ang panahon ng ating kabataan (kung saan hindi sana tayo naghirap), ang ating tiwala sa mga namumuno sa atin, ang ating tiwala sa kapwa Pilipino.

Ang systematic na pagnanakaw ng diktaturya ang ama ng ating Padrino system, cronyism, palakasan at lagay system, pag-aabuso ng mga politico at militar, vote buying, at dole-out mentality.

***

Sa panahon ng diktaturya, hindi na mahalaga ang edukasyon at pinag-aralan, talent, skills, at kaalaman.

Ang naghahari na lang, kapit. Kapit sa patalim. Kapit kay Meyor. Kapit kay Congressman.

Kaya ang daming naging kabit, pokpok, putaching.

Basta lang maipasok sa trabaho, mailuklok sa position.

Iyon ang ninakaw sa atin: Ang kakayahang umahon at umunlad gamit ang sariling pagsisikap.

Kaya naiintindihan ko rin (wisdom and serenity ba ‘yarn?) na loyalists ang mga nakinabang.

Kung ang mga magulang ninyo ay nailuklok sa puwesto, at guminhawa naman ang buhay ninyo noong panahon ng Martial Law, baka nga naka-0.03% din kayo sa mga ninakaw na yaman ng diktaturya. (To be continued)/PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here