By Aaron Erwin E. Austria / Leila N. Valencia / Mark Lester Tejada
Sa tagubilin ni Pangulong Ferdiannd “Bongbong” Marcos, Jr., na abutin at tulungan ang ating mga kababayang lubos na nangangailangan, personal na tumungo ang PCSO sa pangunguna ni PCSO Board of Director Retired Judge Felix P. Reyes kasama si Board Secretary V Atty. Aldrin James Guanzon at PCSO Batangas Branch Head Augusto Tordillos sa pinakamalaking barangay sa lungsod ng Lipa upang magsagawa ng palatuntunang naglalayong matulungan ang mga maralitang sektor ng komunidad. Ito ay naganap sa Sabang Sports Complex, Brgy. Sabang, Lipa City, Batangas noon ika-24 ng Agosto, 2023.
Nag-abot ng Food Packs sina Dir. Reyes, Board Secretary Guanzon at Branch Head Tordillos sa 1,000 residente ng nasabing barangay, karamihan ay mga indigents at senior citizens. Hindi nila alintana ang pagod maibigay lamang ang mga pangunahing tulong ito na labis na ikinatuwa ng mga residente. “Sa patuloy pong pagtaas ng mga bilihin, napakalaking tulong po ng mga ayudang ito mula sa PCSO. Malaki po ang matitipid ng aming pamilya para sa linggong ito,” ang mensahe ng isa sa mga residenteng benepisyaryo.
Samantala nagbigay naman ng educational assistance ang opisina ni Dir. Reyes sa 20 kwalipikadong mag-aaral ng Lipa City. “Bukod sa mga pangunahing tulong tulad ng Medical Assistance, Patient Transport Vehicle, Medical Mission at iba pang, nagbibigay din ng educational assistance ang PCSO. Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga ng aming Ahensya sa larangan ng Edukasyon. Sa mga magulang ng nakatanggap ng assistance, gabayan natin ang ating mga anak hanggang makamit nila ang tagumpay sa buhay. Ang edukasyon ay isang bagay na pwede nating maipama sa kanila na kailanman ay di mananakaw ng sinuman,” saad ni Dir. Reyes.
Labis ang naging pagpapahalaga ni Punong Barangay Wilfredo Lescano sa natanggap ng kanyang mga nasasakupan at kanyang nasabing “Tunay nga po na ang PCSO ay hindi umuurong sa pagtulong. Damang dama po ito ng bawat Lipeñong nandirito sa ating bulwagan. Sa ngalan po ng aming munting barangay, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa PCSO. Malaking tulong poi tong ipinarating ninyo sa amin,” ang pang wakas na pananalita ni PB Lescano.
Ang pamamahagi ng mga food packs ay nasa ilalim ng programang Corporate Social Responsibility ng PCSO. Ito ay ang agarang paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan nakakaranas ng hirap sa buhay.
“PCSO, Hindi Umuurong Sa Pagtulong!”