AND HERE I am again, O Lord God, to thank you for your gift of Salvation.
For Jesus being born in history to be among us men, women, and LGBTQIA+.
To assure us that our Creator still wants to make a relationship with us despite our refusal to accept Love.
***
Muli, narito ako, Panginoon, nagpapasalamat sa handog mong Kaligtasan.
Salamat kay Jesus na isinilang sa kasaysayan para maging kaisa ng sangkatauhan.
Para iparamdam na nais pa ring makipag-ugnayan ng Tagapaglikha kahit pa patuloy kaming tumatanggi sa Pagmamahal at Tulong Niya.
***
Thank you, Lord, for the food on our table.
And for the new inspiration, and salvation, that is the lowly Leni Lugaw.
May we always remember the sincerest forms of love.
Love and compassion not lavished by ill-gotten wealth.
***
Salamat, Panginoon, sa pagkain sa aming mga hapag.
At sa bagong inspirasyon, at kaligtasan, na dulot ng abang Lugaw ni Leni.
Nawa’y palagi naming maalala ang mga payak at tapat na anyo ng pagmamahal.
Pagmamahal at pagmamalasakit na hindi mula sa nakaw na yaman.
***
Lord Jesus, you came as light unto our darkness.
May light shine upon our hearts and minds this Christmas.
May it make us see the schemes and games of crafty and manipulative politicians that only promote their self-interests, family dynasties, and villainous intents.
***
Panginoong Jesus, liwanag kang dumating sa aming karimlan.
Nawa’y maliwanagan ang aming mga puso’t isipan sa Paskong ito.
Nang aming makita ang mga bitag at para-paraan ng mga tusong politiko na ang ipinaglalaban lamang ay ang mga sariling kagahaman, mga pamilya nilang mandarambong, at mga layunin nilang manloko sa taong-bayan.
***
Lord, bless the financially poor, and the poor in spirit.
May their despair not lead them to wrong choices that will put them into more hell on earth.
Let them understand that election money is paid for in sweat and blood; and what is really bought is our future, and our human rights.
***
Poon, kayapin mo ang mga dukha, at yaong mga kulang sa pag-isipin.
Nawa’y ang kanilang desperasyon at kawalang-pag-asa’y hindi magtulak sa kanilang pumili ng mga taong higit na magdidiin sa kanila sa impiyerno.
Tulungan mo silang maunawaan na ang pera sa eleksyon ay pagbabayaran nila ng dugo at pawis; at tunay kang kinabukasan at mga karapatan nila ang binibili.
***
God, let them understand that where there is no repentance, there is no forgiveness; no salvation.
Where sin is not acknowledged, there is no reason for acceptance, and forgiveness.
Thus, when ill-gotten wealth, that which is stolen from the nation, is not returned, there is no reason to forgive.
That moving on is not kindness or human goodness, but stupidity.
***
O Diyos, ipaunawa mo sa kanila na kung walang pagsisisi, walang kapatawaran; walang kaligtasan.
Na kung hindi kikilalanin ang kasalanan, walang puwang para sa kapatawaran, at pagtanggap.
Kung kaya, habang hindi naisasauli ang ninakaw na yaman mula sa bansa, walang dahilan para magpatawad.
At ang pagmove-on ay hindi kabutihan o pagkamaka-Diyos, kundi kabobohan at katangahan.
***
Lord God, bless our ignorant and illiterate people.
Put in their heart the gift of discernment and understanding.
That they may see through fake news, revisionist histories, questionable data, and misinformation.
That they may know in their heart what is real, true, and sincere.
***
Panginoong Diyos, kaawaan mo ang mga bobo at walang-alam.
Bigyan mo ng pang-unawa at pagkaintindi ang kanilang mga puso.
Nang makita nila ang katotohanang minamaskara’t tinatabunan ng fake news, pababago ng kasaysayan, at pinekeng impormasyon.
Nawa’y makita at makilala ng mga puso nila ang tunay, tapat, at totoo.
***
Lord, put fear, and the fear of God, in the heart of the selfish intellectuals and paid hacks who hope to gain in this election by using their talents for the campaign and promotion of evil and villainous candidates.
May they see that their selfish behavior that displays lack of good judgment can mislead others to a path of self-destruction, and our country’s desperation.
***
Panginoon, bigyan mo ng takot ang puso ng mga nakalalamang (at may-talino) na binabayaran ng mga masasamang kandidato para ikampanya ang mga kasinungalingan at panlilinlang.
Nawa’y makita nila na ang kanilang makasariling gawain at paghahanapbuhay ay makatutulak sa iba sa higit na kahirapan at lalong paghihirap ng bansa.
***
Lord, I pray that my people, the poor and the powerful, will remember the children as we are reminded of the infant Jesus.
May my people think of protecting our helpless children from a future ruled by political evil.
And may those who have to share, help the campaign for a better tomorrow.
Lord God Almighty, may Pink and Peace reign in our hearts this Christmas, and in the election year to come.
Thank you, Lord, and Merry Christmas.
Amen.
***
Panginoon, dasal kong ang mga kababayan ko, mahirap man o maykaya, ay makaalala sa mga bata habang ipinagdiriwang namin ang sanggol sa sabsaban.
Nawa’y isaisip nila na dapat ipagtanggol ang mga bata laban sa kinabukasan na pinaghaharian ng mga masamang loob.
At nawa’y yaong may maitulong ay tumulong sa kampanya para sa kinabukasang may pag-asa.
Makapangyarihang Diyos, maghari nawa ang Kapayapaan at Kalimbahin sa Paskong ito, at sa darating na bagong taon.
Salamat sa lahat, Poon, at Maligayang Pasko.
Amen./PN