Anong kabalbalan ba ang nangyayari sa SEC ngayon?

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Anong kabalbalan ba ang nangyayari sa SEC ngayon?’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 19, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Habang ang tao’y nabubuhay, panay kasamaan ang kanyang iniisip, at ang hantungan ay kamatayan…” (Mangangaral 9:3, Bibliya).

-ooo-

ANONG KABALBALAN BA ANG NANGYAYARI SA SEC NGAYON? Alam kaya ng Pangulong Duterte na sa Securities and Exchange Commission o SEC, hindi na mga empleyado ng nasabing ahensiya ang nagbibigay sa publiko ng mga sensitibong dokumentong naka-file doon kundi isang pribadong kompanya na?

Kaya ko tinatanong kong alam ng Pangulong Duterte ang ganitong kalakaran ngayon sa SEC kasi ang SEC ay nasa ilalim ng executive branch ng gobyerno, kaya ang tanggapang ito ay nasa  pamamahala pa din ng Office of the President.

Pinayagan ba ng Pangulo o ng Malacanang na ang mga record sa SEC (kasama na ang mga record ng mga korporasyon, kompanya, o mga partnership na nagnenegosyo sa Pilipinas) ay hindi na mahihingi mula sa nasabing tanggapan kundi sa isang pribadong kompanya na lamang?

-ooo-

PRIBADONG KOMPANYA NA ANG NAMAMAHALA SA MGA RECORD NG SEC? Nalaman ko ito noong noong nakarang linggo matapos akong sumulat sa SEC Records Division upang manghingi ng mga record ng isang korporasyong inihabla ng aking law office para sa isang kliyente naming trucker mula sa Antipolo City. Ang paghingi ng record mula sa SEC ay iniutos ng Antipolo City Regional Trial Court.

Sabi ng hukuman sa pamamagitan ng isa nitong order, kailangang hingin mula sa SEC ang record ng nasabing korporasyon upang malaman sa kasong isinampa ko kung sino ang matataas na opisyales ng korporasyon na tatanggap ng demandang isinampa ko para sa trucker.

Ang problema, matapos tanggapin ng SEC ang sulat kong nagri-request ng mga record ng nasabing korporasyon, may lalaking tumawag sa akin na empleyado daw ng isang kompanyang ang pangalan ay “Teleserve” (ganoong pangalan ang ibinigay ng tumawag sa akin). Ang Teleserve daw ngayon ang namamahala ng mga dokumentong nais hingin ng publiko mula sa SEC.

-ooo-

SEC, INALIS ANG KARAPATAN SA MGA DOKUMENTO NG PAGNENEGOSYO NA HAWAK NITO? Wala sanang problema sa ganitong sistema kasi ang mahalaga lang naman sa akin, makakuha ako ng record na hinihingi ng Antipolo City Regional Trial Court. Kahit na sino ang namamahala ng mga record ngayon sa SEC—ke ang SEC pa din, o isang pribadong kompanya na—basta’t natutupad nila ang utos ng hukuman, sa mga pampublikong dokumento pa mandin,  okay na sana.

Ang siste nito, yung tumawag sa akin ay nagsabing hindi pa daw nila hawak pa ang mga dokumentong nais hingin ng hukuman, kaya wala pa daw silang maibibigay sa akin. Noong tinanong ko kung pupuwede ba akong dumiretso na lang sa SEC ulit, sagot ng caller, wala na daw karapatan ang SEC na maglabas ng anumang dokumento, sapagkat ang Teleserve na nga daw ang dapat gagawa nito, batay sa kontrata ng Teleserve at SEC.

Ha? Hello? Eh hindi nga magampanan ng Teleserve ang kontrata nitong maglabas ng dokumentong kailangan ng hukuman, bakit naman inalis pa ng SEC, ang mismong ahensiya ng gobyerno na may hawak ng mga dokumento, ang karapatan at tungkulin nito na tugunan ang pangangailangan ng publiko, gaya ng hukuman sa Antipolo City? Anong kabalbalan ba ang nangyayari sa SEC ngayon?

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here