[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Anong magic meron si Faeldon sa Malacanang?’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 30, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…At sinabi ni Jesus (kay Tomas), `Ako ang tanging daan, ang katotohanan, at ang buhay’…” (Si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 14:6, Bibliya).
-ooo-
MGA NAGTATANONG SA SERENO CASE, NAGSASAYANG LANG NG ORAS: Tama si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas, ang majority floor leader ng Kamara de Representantes, sa kanyang mungkahi sa kanyang mga kasamang kongresista sa Committee on Justice na nagsasagawa ng mga pagdinig sa hablang impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno: maging mas maayos dapat sila sa pagtatanong para di masayang ang oras.
Ang tinutukoy ni Farinas, isang bar topnotcher noong 1978, ay ang estilo ng ilang mga kongresistang nagtatanong kung ang mga panauhin nilang mahistrado ng Korte Suprema ay kakatig sa pananaw ng ilang mga mambabatas na ang mga ebidensiyang nakalap na nila sa impeachment hearing ng Committee on Justice ay sapat na upang maituloy na ang usapin laban kay Sereno sa Senado, para sa pormal na paglilitis.
Totoo naman, ang tanging magpapasya kung sapat na ang ebidensiya sa Committee on Justice para sa pagpapatalsik kay Sereno ay ang mga mambabatas, hindi ang mga mahistrado. Anumang sabihin ng mga mahistrado ay balewala, at maituturing na opinyon lamang. Ang dapat pinagkakaabalahan ng mga mambabatas ay ebidensiya, hindi opinyon, di ba, Rep. Rodante Marcoleta? O, hindi ito sakop ng talino ng mga mambabatas?
-ooo-
KUNG MAY BATAS NA OK ANG LUXURY CAR IN SERENO, BAKIT MAY KASO PA? Sa pagdinig ng House Committee on Justice noong Lunes, Enero 29, 2018, nakakagulat ang impormasyong lumitaw, batay sa pagtatanong ng mga kongresista, na may batas palang pumapayag upang makabili ang Korte Suprema ng isang luxury vehicle para sa isang punong mahistrado gaya ni Sereno. Sakop ng batas na ito ang Pangulo, Bise Presidente, at ang mga pinuno ng Kamara at Senado.
Ang tanong agad ng marami: kung may batas palang sinasandalan ang pagbili ng Korte Suprema ng isang luxury vehicle para kay Sereno, lilitaw na legal at walang pagbabawal ang pagkakabili ng sasakyang iyon. So, ano ngayon ang inirereklamo ng abogadong humihingi ng impeachment ni Sereno? At bakit pinagkakaabalahan pa ng mga mambabatas ang reklamong ito?
Ang problema lang ni Sereno, bagamat may mga ganitong puntong pumapabor sa kanyang kawalan ng nilabag na alituntunin, mababalewala lamang ang mga puntong ito dahil maliwanag na committed na ang maraming mga mambabatas na isampa sa Senado ang impeachment case laban sa punong mahistrado. Anuman ang gawin ni Sereno, luto na, kumbaga, ang kanyang kaso, kahit na noong una pa man.
-ooo-
ANONG MAGIC MERON SI FAELDON SA MALACANANG? Kokonti lang ang inabot ko sa pagdinig ng Senate Committee on the Accountability of Public Officers (o Blue Ribbon Committee) na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon dahil sa isang hearing na dinaluhan ko para sa isang kliyente sa Olongapo City Municipal Trial Court in Cities noong Lunes, Enero 29, 2018, pero tama lahat sa aking pananaw ang mga pinakawalan ni Gordon sa kanyang pagsasalita.
Tama lang na kinastigong muli ni Gordon si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at, ganun na rin, si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, sa isyu ng pagkaka-absuwelto ni Faeldon at ng kanyang mga alipores sa kaso ng smuggling ng P6.4 bilyong shabu na ipinuslit sa Bureau of Customs noong panahong si Faeldon ang pinuno.
Tama din ang tanong ni Gordon: kung ang mga mahihirap na isinasangkot lamang sa shabu ay pinapatay na agad sa panahon ng gobyernong Duterte, mahirap lunukin nga naman na napawalang-sala pa si Faeldon kahit na, ani Gordon, may maliwanag siyang pananagutan sa paglabas ng P6.4 bilyong shabu sa Customs. Anong magic meron si Faeldon sa Malacanang at ito pa ang huminging mapalaya ang dating opisyal sa pagkakakulong sa Senado?
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]