MAHIGIT sampung buwan na ang nakalipas mula nang tumama ang COVID-19 pandemic sa buong mundo, na patuloy na nagdudulot ng matinding takot at pangamba sa mga tao.
Dito sa Pilipinas, bukod sa paglaganap ng virus at ang naging epekto nito dahil sa biglaang halos pagtigil ng ekonomiya at industriya, nagdulot din ng ibayong pagkabahala ang pagsasara ng maraming kompanya, gayundin ang malawakang retrenchment at limitadong oras at araw ng pasok ng mga empleyado. Kasabay pa nito ang paghagupit ng sunod-sunod na kalamidad gaya ng mga bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan na nag-iwan ng mga pinsala sa bahay at buhay ng ating mga kababayan.
Sa lahat ng mga kaganapang ito, ang Social Security System (SSS) ay nanatiling kaagapay ng bawat manggagawang Pilipino at pamilya nito.
Sa bawat yugto ng buhay, mula sa pagsilang hanggang kamatayan, ang SSS ay laging nariyan upang ang bawat miyembro ay alalayan. Sa pamamagitan ng aktibong paghuhulog ng kontribusyon, maaaring mapakinabangan ng miyembro at kanyang mga benepisyaryo ang mga benepisyo at pribilehiyong pautang na hatid ng SSS, upang tugunan ang mga pangangailangang pinansiyal dulot ng pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, pagreretiro, pagkamatay, at maging ang pagkawala ng hanapbuhay.
Paano nga ba maging aktibong miyembro ng SSS?
Una, magrehistro bilang miyembro. Bisitahin ang SSS website (www.sss.gov.ph) paramakakuhang SS Number na siyang gagamitin sa pagbabayad ng kontribusyon. Huwag kalimutang magsumite ng kopya ng inyong birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa pinakamalapit na sangay ng SSS para mai-tag ang inyong SS Number bilang Permanent. Pangalawa, magbayad ng buwanang kontribusyon. Siguruhing tama ang halagang babayaran, gayundin ang oras ng pagbabayad upang maiwasan ang mga aberya sa hinaharap. Ikatlo, gumawa ng My.SSS account para ma-monitor ang mga bayad sa kontribusyon at loans, at makapag-update ng membership records. Sa pamamagitan din ng My.SSS account ay maaari nang makapagsumite ng aplikasyon sa mga benepisyo at loans, kaya dapat panatilihing updated ang inyong rekord. Ika-apat, i-enroll ang inyong bank account sa inyong My.SSS. Pumunta lamang sa Disbursement Account Enrollment Module at irehistro ang inyong bank account at mobile phone number para sa mas mabilis, mas ligtas, at direktang pagtanggap ng inyong benepisyo o loan. At ika-lima, i-like o i-follow, at mag-subscribe sa official social media accounts ng SSS para sa mga napapanahon at updated na impormasyon: Facebook – SSSPH; Instagram – MYSSSPH; Twitter – PHLSSS; YouTube – MySSSPhilippines; Viber – MYSSSPH Updates.
Para maipagpatuloy ng SSS ang layuning ito sa loob ng mas mahabang panahon, kailangan nito ang pagtangkilik at suporta ng bawat miyembro sa pamamagitan ng kanilang aktibo at tuloy-tuloy na pagbabayad ng kontribusyon na siyang pangunahing pundasyon sa pagkakaroon ng isang matatag na
- Ang pagtutulungan sa pagitan ng SSS at ng mga miyembro nito ang pinakamatibay na kalasag sa pagharap sa anumang pagsubok ngayon at sa hinaharap. Asahan ninyo na ang SSS ay patuloy na magpapatupad ng mga makabuluhang programa upang higit na makatugon sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino./PN