INILABAS kamakailan ng CIS Bayad Center Inc., o mas kilala sa pangalang BAYAD, ang isang solusyon para sa karagdagang kita ng ating mga sari-sari store operators at micro-enterpreneurs sa bawat komunidad.
Tinawag bilang BAYAD ASENSO, ito ay isang facility kung saan ang ating mga sari-sari store operators ay maaari ng tumanggap ng mga bayad sa bills at government contributions, ganun din sa pagload ng mga prepaid na mobile accounts, gamit lamang ang kanilang cellphone.
Layunin nito na iangat ang ating mga Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEās, na bumubuo sa mahigit sa 90% ng mga businesses sa Pilipinas. Ito rin ay malaking tulong upang makatipid at mas mapadali ang pagbabayad ng bills ng ating mga kababayan na sanay pa rin sa face-to-face transactions.
Ngayon, mas mapapalapit na sa bawat komunidad at barangay ang pagpapaload sa cellphone at pagbabayad ng bills sa mahigit na 80 biller brands, tulad ng kuryente, tubig, telepono, internet, cable, government contributions, loan payments, at iba pa.
Para maging officially registered sa nasabing negosyo, o maging isang Bayad Asenso Agent, kailangang may smartphone at stable internet connection. Kailangan ding magdownload ng Bayad App na available sa Google Play, App Store, o sa Huawei App Gallery.
Sa nasabing app, makikita ang āBusinessā feature, kung saan nakapaloob ang Bayad Asenso icon, at dito magfifill-out ng registration form.
Ilan lamang sa mga benefits na makukuha sa pagiging isang Bayad Asenso Agent ay multiple wallet funding, account management, reports and transaction history, customer support, QR payment, rewards and incentive program, at pati narin marketing collaterals tulad ng poster o signages.
Ayon sa President at CEO ng Bayad na si Lawrence Y. Ferrer, āInilunsad namin ang Bayad Asenso para magbigay oportunidad sa libu-libong negosyanteng Pilipino, at mapalapit ang ibaāt ibang serbisyong pinansyal sa ating mga kababayan. Habang tayo ay nasa stage ng pag-recover mula sa pandemic, kasama niyo ang Bayad sa pagbuong muli ng ating ekonomiya. Sama-sama tayong babangon sa Bayad Asenso. ā/PN