Buwan ng Wika

A FRIEND (a fan?) from South Cotabato is involved in their university celebration of the National Language Month. 

The friend admits to admiring my work in the Hiligaynon, and my vision for the language as started in my Hiligaynon Revolution of 2014.

He also likes my chutzpah to challenge common ideas.

***

So, he invited me to prepare a video message for his school community.

Of course, I complied.

Which idol would dare refuse a fan? Haha!

***

Still, I think that my message is awesome.

It may be unpopular, but hey…

I’m sharing it here because, Why not?

Marunong din po akong magsulat sa Filipino. Haha!

***

Sa mga mag-aaral, guro, profesores, at kasapi ng pamayanang Notre Dame of Marbel University, isang maalab na pagbati mula sa Estados Unidos nitong ikalawang taon ng pandemya.

***

Ikinalulugod kong maanyayahan ninyong magbigay ng mensahe hinggil sa ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021 na may temang Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.

*

Sa istriktong usapan, hindi po ako naniniwala sa temang ito. 

Una, dahil naniniwala akong kailangan nating mag-move on, at makipagsabayan sa globalisasyon lalo na nitong ikatlong milenyo, sa panahon ng Internet at mga pandemya. 

***

Pangalawa, mahirap pong aralin at palaguin ang ating mga katutubong wika. 

Kung mali ako, sana po hindi nagkalecheleche ang pag-aaral ng mother-tongue based education sa elementarya. 

Hindi rin sana tayo kulelat sa pandaigdigang survey ng reading comprehension. 

At maging sa mga survey ng kaalaman sa agham at matematika.

*

Pangatlo, ayon sa pinakabagong Saligang Batas (ng 1987), ang ating wikang pambansa, ang Filipino, ay patuloy na maghihiram ng mga salita at konseptong banyaga. 

Therefore, how can I think of a decolonized Filipino mind without appreciating the good things that the colonizers contributed to our language, literature, and culture?

***

Hindi po maaring idaan sa wika lamang ang usapin ng dekolonisasyon. 

The word “decolonize” itself is meaningless to our indigenous Filipino culture. 

***

Bago pa man ang mga Castilla at Americano, nag-aadapt na po tayo sa impluwensya ng iba’t ibang kultura at mga rasang mas makapangyarihan—maki-Chino man, o Malay, o Indian, o Japon, o Indonesian.

***

Kung ang hangarin ng dekolonisasyon ay para mabalikan natin ang matiwasay na buhay bago ang pananakop ng mga Castilla at Americano katulad ng pagbabalik ng sangkatauhan sa Jardin ng Eden, drawing lamang po ang lahat ng iyan. 

Panaginip. Wishful thinking.

***

Ang tunay na dekolonisasyon ay nagaganap hindi sa ating mga wika, kundi sa ating mga puso at diwa. 

Kaisipan po ang dapat baguhin, hindi ang dila. 

*

In fact, naniniwala ako na mas mabilis maiintindahan ng mga tao ang dekolonisasyon if I speak the language of the colonizers.

If I assimilate the language of the colonizers in my Filipino dream and ideals.

***

‘Wag po tayong pauuto sa ideya na mas matututo ang mga bata ng agham at matematika kung gamit ang katutubong mother-tongue lalo na’t nakikita na nating nahihirapan silang bigyan ng pangalan ang bilang na 37 o hanapan ng katumbas na katutubong salita ang mga konsepto ng virus, website, vaccine, at technology.

***

Ipagdiwang natin ang wikang Filipino, pati ang ating katutubong mga wika, bakit hindi? 

Ngunit ‘wag po tayong padadala sa drawing at pangarap na ito ang daan patungo sa epektibong dekolonisasyon. 

***

Hindi n’yo po ba naiisip na ang pagkuquestion ng mga bagay-bagay na ipinapalunok sa atin mula sa itaas (o ng mga nasa katungkulan), pati ang tema o paksa ng ating selebrasyon, ay isang halimbawa ng isipang gustong makaalpas?/PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here