Dalawang uri ng paninirang puri sa RP

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Dalawang uri ng paninirang puri sa RP’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 1, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY:“… Ang Panginoong Diyos ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan…” (Awit 23:1-2, Bibliya).

-ooo-

TANONG:  Atty. Batas, maghihingi po ako ng advice. May kapitbahay po ako na nagkaroon kami ng alitan tungkol lang po sa puno. Subalit lumawig iyon hanggang sa lagi ng minumura niya ako na puta daw ako at dalawa daw po ang sumeks sa harap ko.

Labis po akong nasaktan gusto ko po siyang idemanda. Pero mahirap lang po ako anu po ang dapat kong gawin. Sana po ay matulungan niyo ako. Chery ng Angono, Rizal 44 years old napahiwalay sa asawa at nag asawa.

-ooo-

SAGOT: Chery ng Angono, Rizal, salamat sa tanong na ito. Sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines, pinagbabawalan ang sinuman na magmura at magkalat ng kung anu-anong masasamang impormasyon laban sa ibang tao.

Ang mga pagmumura at pagpapakalat ng masasamang impormasyon sa ibang tao ay ituturing na paninirang-puri na nagbibigay ng pananagutang kriminal laban sa sinumang gumagawa nito.

Ang paninirang-puri ay maaaring ituring na libelo kung ito ay ginagawa sa pamamagitan ng artikulo na lumalabas sa mga diyaryo, magasin at iba pang babasahin. Ituturing naman itong oral defamation kung isinagawa ang paninirang puri sa pamamagitan ng sali-salita lamang.

-ooo-

DALAWANG URI NG PANINIRANG PURI SA RP: Pero dalawa ang uri ng oral defamation. Una dito ay ang simple oral defamation at ang pangalawa ay grave oral defamation. Ang simple oral defamation ay may parusang pagkakabilanggo na hindi lalampas sa isang taon samantalang ang grave oral defamation ay may parusang pagkakabilanggo ng dalawang taon.

Dahil diyan, kung ang kasong isasampa ay simple oral defamation, kailangang idaan muna ito sa barangay para sa mandatory conciliation sa ilalim ng Local Government Code of 1991. Sa kabilang dako, kung ang kasong isasampa ay grave oral defamation, pwede na itong idiretso sa piskalya o sa mga hukuman.

Sa mga ganitong kaso ng oral defamation, kailangang may tumestigo na ibang tao na nakarinig mismo sa ginawang paninirang puri. Kung walang testigo, mahihirapan ang nagrereklamo na patunayan ang krimen.

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here