Dear Secretary Briones, Part 3

THIS IS THE concluding part of my open letter to the DepEd Secretary calling for academic freeze.

This was originally posted on Facebook on Nov. 17.

After five days, it had received 1.1K reactions, 129 comments, and 588 shares.

By now, it must have doubled, but I’m not checking social media like crazy.

I write, I post, and it’s for the world to react.

I try to be relevant, but I’m okay if people don’t notice me.

*

I have so much fun writing this open letter.

I have so much fun reading people’s reactions to it.

I also like that I actually force young readers to read more than two sentences.

Most youngsters think this is novel-like in length, but they said that they really enjoyed the rollercoaster ride that I have taken them to with this piece.

Well, it’s the same reason why I’m sharing the letter here in my column.  

*

Balik sa Academic Freeze. Paulit-ulit ba?

Academic Freeze po dahil pandemic ngayon. 

Iyon po ang way out ninyo: Global pandemic like the world has never seen in the last 100 years (paki-fact check na lang po. Hindi naman kasi ito module, this is an open letter lang po.) 

[Ok, since alam kong tamad mag-fact check ang DepEd, ako na rin ang nag-fact check: 1918-1919 influenza pandemic pa ang last severe pandemic bago itong COVID, so tama na naman ang 100 years estimate ko. Shit, ang galing ko talaga, Sec. Briones. You really should to listen to me!]

*

Ma’am, ‘yong tungkol sa online learning, it doesn’t work din po for most of the people. 

Lalo sa mahihirap. 

Hindi po yata kayo nagti-Twitter, Grindr, at Blued.

Ma’am, may mga nag-aalok sa akin, vidjakol po, mga estudyante. 

Opo, magsasalsal po sila — masturbation po, kayo naman, pa-virgin pa — mapapanood ko by video call, basta magbayad ako through GCash at kung anu-ano pang payment system basta makaabot ang pera pambayad ng kuryente at internet para sa kanilang online learning. 

*

Kawawa naman po ang mga girls na nagtitinda ng nudes; e, sawa na po ako sa female nudity. 

Pero mas naaawa ako sa mga daddy na natuto na ring sumuso at tumuwad dahil sa higpit ng pangangailangan, maka-internet lang ang mga anak. 

(Pero hindi rin ako sure kung konektado ang chupa sa internet at online learning needs nila kasi mukha naman silang nasasarapan.) 

Hindi po sila ang yuck, Ma’am. 

*

Kayo po ang yuck! 

Dahil kayo ang ayaw sa Academic Freeze. 

Kayo ang nagpilit sa online learning na masyadong mahal at imposible para sa karamihan. 

May “edukasyon” nga, naging imoral at sex worker naman

Actually, hindi ko rin inaalipusta o tinatawaran ang sex work. 

“Prostitution is the sin of really good people who do not give the desperate people a good break.”

(Original quotation ko po iyan! Paki-hashtag na lang.)

Wampipti at wampayb, Ma’am, ‘yan na po ang new normal. 

Hindi rin connected sa back-to-school ng DepEd, pero parang tinutulak n’yo po kasi sila sa umuungol na patalim.

*

Wala na ngang may makain ang mga tao, mamroblema pa sa stressful na alternative schooling. 

Uulitin ko po, dahil may edad na po kayo: P-A-N-D-E-M-I-C! 

All caps ko na rin po para madaling mabasa kahit walang reading glasses. 

Ma’am, hindi po ako ageist o basher ng elderly o may edad. 

‘Wag po ako! 

Matanda ang inasawa at inilibing kong kabiyak. 

60 years old na po ang pinakasalan ko when I was 39.

*

Hindi ko po inaaway ang edad ninyo. 

Saludo po ako at umabot kayo sa ganyang edad. 

Sana all. 

Pero paano maging sana all, e, nakarisgo ang marami sa COVID. 

Sex workers pa ang iba (more at risk sa HIV at AIDS).

‘Yong mga teachers, nagkaka-COVID na rin sa kaka-distribute at kakakolekta ng modules. 

*

So, doon tayo sa mentation ninyo, sa tamang pag-iisip.

Kung may liwanag pa po ang inyong kaisipan, o hindi kayo nakatulog sa haba nitong sulat ko, I pray na isipin po ninyo ang marangal na transition sa Academic Freeze. 

O kung hindi talaga kaya, ‘yong immediate resignation.

Sabi ko nga, hindi po recommended ang hara-kiri. 

Pero beke nemen kasi.

*

‘Wag n’yo pong pilitin ang mga Pilipino na isumpa kayo sa impiyerno. 

Hindi po kayo type ni Satanas, although, bukas yata ‘yong kuweba na puno ng malagkit na tae, na deserved naman ng mga kakutsaba ninyong ayaw mag-Academic Freeze.

Ma’am, hindi po ako sorry for these words. 

Ito po ang dapat na pumukaw sa inyo. 

(Wait, what, natutulog kayo all this time?) 

Ia-anticipate ko na po ang pasasalamat ninyo dahil sa pagbigay liwanag ko sa inyong katinuan. 

*

— You are welcome po, Secretary Briones. Stay safe po. Love you po. (Yeah, pasok ang tough love sa Love!)

For Academic Freeze, and in the service of the Filipino people, ang inyong abang lingkod,

#petersolisnery #ThePSN #TatakPSN #AskForPSN #LearnMoreAboutThePSN #ThePSNAndTheFilipinoYouth #ThePSNWillNotBeSilenced

#YourModuleIsNotEnough/PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here