[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Di dapat bawiin ang parangal kay Mocha’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 23, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sinagot sila ni Jesus, `Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo, nang kanyang isulat, ‘Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari amang, sapagkat ito’y sa bibig at hindi sa puso bumubukal’…” (Mateo 7:6, Bibliya).
-ooo-
HINDI DAPAT BAWIIN ANG PARANGAL KAY MOCHA: Kung ako ang pangulo ng University of Sto. Tomas Alumni Association, hindi ako papayag na kanselahin ang “gawad parangal” na ibinigay ng samahan sa artistang si Mocha Uson, o Esther Margaux Justiniano Uson sa tunay na buhay, na ngayon ay Assistant Secretary na ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Malacanang.
Hindi ko maaaring pagbigyan ang hiling ng iba’t ibang grupo ng mga estudyante o alumni sa UST na bawiin ang parangal kay Mocha, dahil makatotohanan naman ang award. Di ba, ang layunin ng award ay kilalanin ang mga alumni ng UST na ngayon ay konektado sa gobyerno? At, di ba nasa gobyerno nga si Mocha?
Sa totoo lang, inggit lang ang maliwanag na dahilan ng mga batikos sa parangal kay Mocha. Una, tunay namang mas sikat siya kaysa sa maraming mga kritiko niya. Pangalawa, tunay namang nakaluklok siya sa isang posisyong may dalang kapangyarihan, dahil nakadikit talaga siya sa Pangulong Duterte. Pangatlo, malamang sa hindi ay may impluwensiya siya sa mga tinatahak ng pamahalaan.
-ooo-
WALANG KARAPATAN ANG SINUMAN UPANG HUSGAHAN SI MOCHA: Anuman ang pinagdaanan ni Mocha sa kanyang nakalipas na buhay, o kontrobersiyal man siya sa kanyang mga ginagawa sa kasalukuyan, walang karapatang manghusga ang sinuman sa kanya. At lalong walang karapatan ang sinuman na panghimasukan kung karapat-dapat ba siya sa parangal ng kanyang mga kapwa nagsipagtapos sa UST.
Sa totoo lang, ang UST Alumni Association ay pinamumunuan ng mga taong hindi din naman matatawaran ang mga pagkatao, pati na ang kanilang integridad. Natitiyak kong noong magpasya silang kilalanin si Mocha dahil sa katotohanang naglilingkod na siya sa pamahalaan bilang mataas na opisyal sa Malacanang, pinag-isipan nilang mabuti ito.
At noong magpasya ang pamunuan ng UST Alumni Association na igawad sa kanya ang parangal, sa kategoryang kasama kasi siyang nabigyan ng mataas na puwesto sa gobyerno, tiyak din na alam ng mga namumuno sa samahang iyon kung ano ang kanilang ginagawa. Dahil diyan, kailangang panindigan nila ang nauna nilang pasya.
-ooo-
GALIT SI JESUS SA MGA MAPAGKUNWARI: Naalala ko tuloy ang kuwento ng isang babaeng diumano ay nahuli sa akto ng pangangalunya, na alam kong kabisadong-kabisado ng mga nag-a-aral o nag-aral sa UST. Dinala ang babaeng ito sa Panginoong Jesus, upang alamin mula sa Kanya kung pahihintulutan Niya ang noon ay umiiral na batas ukol sa mga nagtataksil—ang batuhin ang taksil hanggang sa ito ay mamatay.
Dahil alam ni Jesus ang kabuktutan ng puso ng mga nagnanais na batuhin hanggang sa mamatay ang babae, at dahil alam Niya na ang mga nagdala sa Kanya ng babae ay mga makasalanan din naman, nagwika Siya na ang mga walang kasalanan ang siyang mauunang magpupukol ng bata. Pagkatapos, umupo si Jesus sa lupa at nagsulat doon sa Kanyang daliri.
Sa narinig ng mga tao, isa-isa silang lumisan—na nagpapatotoo na lahat din naman silang nag-a-akusa ay mga makasalanan din—at wala ni isa man lamang sa kanila ang nagpukol ng bato sa babae. Noong makita ni Jesus na wala na ang mga tao, sinabihan Niya ang babae, “Ako man ay hindi humahatol sa iyo.” Nakakalungkot isipin na ang lahi noong mga taong nag-akusa sa babae ay nagpatuloy pala hanggang ngayon!
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]