DOH advertisements, panunuhol sa media?

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’DOH advertisements, panunuhol sa media?’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 2, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…`Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo ay magiging mga saksi ko… hanggang sa dulo ng mundo’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Gawa 1:8, Bibliya).

-ooo-

SALAMAT SA DIYOS SA NGALAN NI JESUS PARA KAY LUI, ANG ANAK NAMIN NG MAYBAHAY KO: Sabi ng Aklat ng Kautusan, ang sinumang nakipag-isa na kay Kristo ay isa ng bagong nilalang, wala na ang dati niyang pagkatao, napapalitan na ng bago. Matapos ang pakikipag-isang ito ng tao kay Kristo, tatanggap ito ng kapangyarihan, upang maging saksi siya ni Jesus, hanggang sa dulo ng mundo.

Sa pagpapala ng Diyos at Tagapagligtas na si Jesus, alam namin ng aking maybahay na si dating Judge Angelina Domingo Mauricio, na ito ang katayuan ni Lui, ang anak namin. Si Lui ay nagtapos sa UP College of Law noong 2015, naging abogada agad noong 2016, at ngayon ay nananatili siya bilang abogada sa Office of the Solicitor General (OSG), na kumuha sa kanya bago pa siya nakapag-bar exams.

Noong 2017, ipinadala siya ng OSG sa Washington D.C., USA, upang magpakadalubhasa sa “public private partnership,” sa Institute of Public Private Partnership doon, kasabay halos ng pagkakakumpleto niya ng certificate course sa international arbitration sa Columbia Law School sa New York, USA. Ngayong 2018, sa pagpapala, paggabay, at proteksiyon ni Jesus, tinanggap si Lui ng Columbia para sa 2018-2019 LL.M Program nito. Tunay nga, salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus!

-ooo-

DOH ADVERTISEMENTS, PANUNUHOL SA MEDIA? Di ba panunuhol na maituturing ang pagpapalabas ng Department of Health (DOH) sa ilang piling media outlets ng mga bayad na patalastas ukol sa paglaban sa dengue o iba pang mga delikadong sakit habang sumasailalim ito sa mga puna, batikos, at mga masasamang komentaryo mula sa mga mamamahayag at mula sa publiko?

Marahil nga ay maipagtatanggol ang legalidad at ang pangangailangang magpatalastas ang DOH upang mabigyan ng kaukulang impormasyon ang marami sa mamamayan ukol sa kinakailangang pag-iingat sa mga sakit na kumakalat sa ngayon.

Pero, naku naman, di nito maitatatwa na kasama sa mga layunin ng mga DOH advertisements ang pagdahan-dahanin (kundi man tahasang patigilin) ang mga masasamang balita tumgkol sa Dengvaxia scandal. Ngayon, puwede bang pakilahad sa publiko ng DOH kung ilang milyong piso mula sa pondo nitong galing sa buwis ng mga Pilipino ang nagagastos na nito sa mga nasabing advertisements?

-ooo-

MARAMING PILIPINO, SA KALSADA NA NAKATIRA: Maraming beses ko ng isinusulat sa “Kakampi Mo Ang Batas” ang mga kababayan nating sa mga sidewalk o sa iba pang mga pampublikong lugar na natutulog o di kaya ay tuluyan ng naninirahan, sa layuning kumilos sana ang gobyerno upang hanapan ng kalutasan ang kanilang mahirap na kalagayan. Pero, sa kasamaang-palad, tila bingi na ang mga opisyales natin sa isyung ito.

Kataka-taka ang kawalan ng pagkilos na ito ng gobyerno—mapa-nasyonal o mapa-lokal—upang mailagay sa tamang lugar ang mga kababayan nating ang mga sidewalk o mga pampublikong lugar na ang tinitirhan. Sa totoo lang, daang milyong piso ang pondo ng Department of Social Welfare and Development para sa mga ganitong suliranin.

Ganundin kadami ang pondo ng mga pamahalaang lokal para sa mga mahihirap sa kani-kanilang mga lugar. Saan kaya napupunta ang mga perang ito? Tanungin kaya natin ang DSWD Secretary (me kalihim ba doon at, kung meron, ano ba pangalan niya?), at ang iba’t ibang mga alkalde, lalo na sa Kalakhang Maynila. May maisasagot kaya sila?

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here