[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Espesyal na tinola ni Mommy pag araw ng Linggo’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 3, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan…” (Deuteronomio 6:6-9, Bibliya).
-ooo-
ESPESYAL NA TINOLA NI MOMMY PAG ARAW NG LINGGO NOONG KAMI AY BATA PA: Noong panahong ako at ang aking mga kapatid na lalaki noong dekada 60 hanggang dekada 70, ang araw ng Linggo ang pinaka-espesyal sa lahat, dahil dito inihahain ng aking mga magulang (ang namayapa ng si G. Melanio Pauco Mauricio Sr., at ang ngayon ay 84 na taong gulang na na si Gng. Salvacion Lazo Mauricio) ang mga masasarap na ulam gaya ng tinolang native na manok, o apritadang baboy o baka.
Mahusay magluto si Mommy sa aming bayan sa Ramos, Tarlac. Ang kanyang tinola o apritada ay talagang malinamnam at masarap, lalo na kung ihahain niya ito pag mainit at halos kumukulo pa mula sa kalan. At tila lalong sumasarap ang tinola kasi, bago kami kumain, hinahati-hati na nila ni Daddy ang mga parte ng manok sa bawat isa sa aming magkakapatid.
Apat na lalaki pa lamang kami noon (ako, si Philip, si Leny, at ang namayapa na ding si Ariel), hindi pa isinisilang ang bunso naming babae (si Marisa, na ipinanganak noong 1973), at tinitiyak ng aming mga magulang na naibibigay na sa amin ang kanya-kanyang rasyon ng manok, kumbaga, upang wala ng gulo pa sa pagkain. Puro lalaki ba naman eh, kaya kung minsan, di maiiwasan ang magbangayan sa pagkain.
-ooo-
MGA REGLAMENTO SA LOOB NG PAMILYA NA HINUBOG NG PANAHON: Sa aming pagkain, nagkaroon kaming magkakapatid ng parang kasunduan kung papaano mahuhugasan at maililigpit ang mga pinagkainan, dahil wala naman kaming katulong noon. Kung sino ang maiiwan o huli sa mesa, siya ang maghuhugas ng mga pinggan, at siya pa din ang magpupunas ng mga mumo sa mesa.
Naalala ko, lagi akong huli kaya ako lagi ang naghuhugas ng pinggan, kasi ang ginagawa ko, di ko agad kinakain yung manok. Inuuna kong kainin ang kanin at yung papaya at malunggay na kasama ng tinola, at sa bandang huli ko na lang nilalantakan ang manok. Iyon yata ang dahilan kung bakit dumami ang asukal ko sa katawan, sa dami ng kanin na kinain ko mula pagkabata ko.
Dahil dito, nagpanukala ako ng bagong reglamento sa aming magkakapatid. Yung magluluto ng sinaing (o kanin) ay hindi na paghuhugasin ng pinggan, kahit mahuli pa siya sa mesa dahil matagal siyang kumain. Ang naging siste nito, nag-uunahan naman kami pagkatapos sa pagluluto ng sinaing.
-ooo-
DIYOS, NAPAGLULUBAG ANG GALIT NG TAO: Isang gabi, ako at ang aking mga kapatid na lalaki ay kasamang nagdarasal ni Mommy. Wala pa noon si Daddy. Sa gitna ng aming pagdarasal, dumating si Daddy, sakay ng kanyang “old but reliable Austin Cambridge”, isang mumurahing kotse. Dahil di alam ni Daddy na kami ay nagdarasal, bumusina siya ng bumusina, at tinatawag pa ang aming mga pangalan, upang pagbuksan namin siya ng gate.
Ang problema, kahit anong busina at pagtawag niya sa amin, walang nagpupunta sa kanya. Ang dahilan, ayaw ni Mommy na tumayo kami sa aming pagdarasal. Ewan ko kung papaano nakapasok si Daddy sa aming bakuran noon pero nagulat kami ng biglang itulak niya ang pinto sa pinaka-salas ng aming bahay noon at malakas na nagtanong “Nasaan ba kayo?”
Nanginig kami sa takot noon din, dahil alam naming hindi magandang nagagalit si Daddy. Pero, noong makita niya kaming nagdarasal, tumigil siya sa pagsasalita, at naupo na lamang at sumama sa aming pagdarasal. Noong matapos ang dasal at lumapit kami sa kanya upang magmano, magiliw namang ibinigay niya ang kanyang kanang kamay at pinahintulutan kaming magmano sa kanya. Laki ng pagpapasalamat ko sa Diyos noon, kasi napaglubag Niya ang galit ng aming ama.
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]