FPJ’s Batang Quiapo Nagbigay-Sigla sa Masskara Festival 2023 sa Bacolod!

Photo courtesy of Senator Lito Lapid
Photo courtesy of Senator Lito Lapid

NAKABIBINGING sigawan at hindi mahulugang karayom ang mga kababayan nating nanood sa stars ng FPJ’s Batang Quiapo sa Masskara Festival 2023 Kapamilya Karavan dito sa Bacolod nitong Sabado ng gabi.

Umabot sa higit sa sampung libong katao ang naitala ng management ng Ayala malls na nakisaya sa show.

Pinakilig pa ng husto ng magka-loveteam na sina Tanggol(Coco Martin) at Bubbles(Ivana Alawi) ang buong Ayala malls sa kanilang duet song.

Bago ang duet song nina Tanggol at Bubbles, nakipag-rakrakan muna si Coco sa dalawa pang rappers na sina Bassilyo at Smugglaz.

Mas nayanig ang buong mall nang umakyat sa stage ang big stars na sina Supremo(Senator Lito Lapid) at Amanda(Lorna Tolentino) o ang trending tandem na kilala sa #PriManda.

Sa nasabing show, taus-pusong nagpasalamat ang cast ng Batang Quiapo sa pamumuno ni Senador Lapid, Lorna, Coco, Ivana, Bassilyo at Smugglaz sa todo suporta ng mga Bacolodnons sa Batang Quiapo.

“Sa liwat nga pagbalik, mga pinalangga ko nga Bacolodnon kag Negrosanon. Salamat sa wala untat nga pagsuporta sa aming lahat.
Madamo gid nga salamat, Bacolod City sa walang sawang panonood ng FPJ’s Batang Quiapo,” ayon kay Supremo

Nagpasalamat din ang grupo kay Bacolod City Mayor Albee Benitez. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here