Gulo sa ‘Con Ass,’ sina Davide ang nagkulang

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Gulo sa ‘Con Ass,’ sina Davide ang nagkulang’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 19, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao…: (Galacia 6:10, Bibliya).

-ooo-

GULO SA “CON ASS,” SINA DAVIDE ANG NAGKULANG: Kung iisiping mabuti, ang tunay na dapat tapunan ng sisi sa pagkakagulo ngayon ng mga kongresista at mga senador sa isyu ng pagboto ng mga mambabatas sa mga pagbabagong sila ang magpapanukala sa Saligang Batas ay ang ilan sa mga nagsalita sa Senado noong Miyerkules, Enero 17, 2018.

Ang tinutukoy ko dito ay ang dating Chief Justice Hilario Davide Jr., at  kung ang Prof. Ed Garcia na dumalo sa Senado noong Miyerkules ay ang “Edmundo G. Garcia” na kasama ni Davide sa 1986 Constitutional Commission na siyang gumawa ng Saligang Batas ng 1987, kasama din siya sa dapat sisihin.

Bakit kanyo? Kasi, sa isyu ng tinatawag na “constituent assembly,” o yung botohan ng mga mambabatas na magpapanukala ng mga pagbabago sa Saligang Batas na sa kanila mismo manggagaling, maliwanag na nagkulang sila kasi hindi nila pinagbuti ang terminolohiyang ginamit nila kung sakaling a-amiyendahan ang Konstitusyon. Suma total, hindi nila pinagbuti ang kanilang mga tungkulin noon sa 1986 Constitutional Commission.

-ooo-

1986 “CON COM,” DI NAGBIGAY NG TAMANG PANSIN SA PAG-AMIYENDA NG KONSTITUSYON: Ganito yun: sina Davide at “Edmundo G. Garcia” ay kasama ng maraming iba pang iniluklok ng noon ay Pangulong Corazon Aquino sa 1986 Constitutional Commission. Ang komisyon na ito ang bumalangkas ng mga bahagi ng ngayon ay umiiral ng Saligang Batas ng 1987, upang palitan ang 1973 Constitution matapos itong ibasura ni Cory.

Kasama sa mga bahagi ng isang Konstitusyon, gaya ng Saligang Batas ng 1987, ay ang probisyon sa mga paraan upang baguhin kung sakali ang nasabing Konstitusyon. Ang probisyong ito ay mahalaga kasi talaga namang sa pagdaraan ng mga panahon, magkakaroon ng pangangailangang baguhin o amiyemdahan ang Saligang Batas.

Kaya nga dapat maliwanag, sa mga probisyones ng Saligang Batas, kung ano ang mga hakbang na pupuwedeng gawin upang maisakatuparan ang mga ninanais na pagbabago. Ang problema nina Davide at “Edmundo G. Garcia” at ng lahat ng iba pang kasapi ng 1986 Constitutional Commission, hindi nila ito binigyan ng seryoso at  tamang pansin noon, kaya nagkakagulo ngayon.

-ooo-

NANGOPYA LAMANG ANG 1986 “CON COM?” Ang lumilitaw na ginawa nina Davide at ng 1986 Constitutional Commission sa isyu ng pag-amiyenda, kinopya na lamang nila kung ano ang nilalaman ng Saligang Batas ng 1973. Kung titingnang mabuti ang 1973 at 1987 Constitutions, makikita nating halos pareho lamang sila ng sinasabi.

Ito ay isang malaking kabalintunaan at pagpapabaya nina Davide at ng buong 1986 Constitutional Commission kasi, hindi pupuwedeng kopyahin na lamang ang probisyon kung papaano aamiyendahan o babaguhin ang Saligang Batas ng 1987 mula sa sinabi ng Saligang Batas ng 1973.

Ang dahilan? Ang lehislatura noong 1973 ay iisang kapulungan lamang—ang National Assembly—walang Kamara de Reprentantes at Senado, puro Assemblymen lamang. Dahil doon, tama na ¾ na boto ng lahat ng mga mababatas ang isasa-alang-alang. Eh, hindi naman ganito ang lehislatura sa 1987 Constitution, dahil dalawang kapulungan sila ngayon. Kaya, hayun, nagkakagulo na nga! Naku, talaga naman oo!

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas o www.facebook.com/angtangingdaan. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen! /PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here