Gulo sa prusisyon ng itim na Nazareno

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Gulo sa prusisyon ng itim na Nazareno’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
January 12, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay tatalikuran ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo. Ang mga katuruang ito’y pinalalaganap ng mga taong sinungaling at may mga manhid na budhi…” (1 Timoteo 4:1-2, Bibliya).

-ooo-

GULO SA PRUSISYON NG ITIM NA NAZARENO: Sari-sari ang mga komentong ibinabato ngayon sa malaking bilang ng mga nakipag-prusisyon para sa imahen o rebulto ng itim na Nazareno ng Quiapo na sapilitang pumasok sa isang bahay sa kalsadang dinaanan ng prusisyon at nang-agaw ng mga inumin at pagkain sa isang pribadong handaan sa loob ng nasabing lugar.

Ang pinakamatinding komento ng mga nakapanood ng video ng mga debotong ito ay ang kawalan ng mga ito ng tunay na pananampalataya at kawalan nila ng tunay na pagsunod sa mga utos ni Jesus, ang Nazareno. Lumilitaw tuloy na bagamat mga deboto sila ng itim na Nazareno, palsipikado pa rin ang kanilang pagiging Kristiyano, at demonyo pa din silang maituturing.

Panoorin po ninyo ang video dito: https://www.dailypedia.net/…/26711173_1644084608981335_2397…. Tunay nga, katuparan na ito ng hula ng Bibliya mismo na marami ang magpapanggap na nananampalataya pa din sila sa Diyos pero hawak na ng diyablo ang kanilang kaisipan. Ang tanong ng ilan: lan kaya sa sinasabing 19 milyong deboto ng Nazareno ang hindi tunay na sumusunod sa Kanya?

-ooo-

SINO ANG NAKAKAHIYA SA IKINILOS NG MGA DEBOTO NG NAZARENO? Sa ganitong mga pagkilos ng mga nagsasabing sila ay mananampalataya o di kaya ay deboto ng Diyos o ng kung ano-anong santo o santa, maliwanag namang hindi sila ang mga nakakahiya. Ang nagiging kahiya-hiya, dahil sa ipinakitang asal-hayop ng mga namamatanang ito, ay ang kanilang dinidiyos, ang kanilang simbahan, at ang kanilang mangangaral.

Kasi naman, ipinakita ng mga maangas na mga debotong ito na hindi sila naturuan ng kabutihang-asal ng kanilang kinikilala at dinidiyos, ng kanilang simbahan at ng kanilang mga mangangaral. Sa halip, pinatotohanan pa nila ang sinasabi ng Bibliya na pag malapit na ang wakas ng mundo, magiging napakasama na ng tao.

Ito ang dahilan kung bakit napakaraming mga sumpa ng Diyos ang nasa ating bansa at sa ating mga kababayan. Bagamat busog naman sila sa Salita ng Diyos dahil dumadalo naman sila sa mga misa at pagtitipon ng kanilang mga grupo, hindi sila interesadong sumunod sa mga utos ng Diyos na ibinibigay sa kanila tuwing Linggo.

-ooo-

MGA MALING KATURUAN ANG SINUSUNOD NG MGA MANANAMPALATAYA: Ang pinaiiral ng maraming mananampalatayang Pilipino sa ngayon ay ang mga maling katuruan. Halimbawa, alam nilang bawal ang magnakaw o manloko, nagnanakaw at nanloloko pa din ang madami, upang kumita lamang ng konting pera.

Ganundin, alam nilang kailangan nilang magpakatotoo sa kanilang pananampalataya sa Diyos bilang tanging paraan upang makamtan ang kanyang pagpapala, paggabay at proteksiyon, pero todo iwas pa din naman sila sa pakikinig ng Kanyang Salita at halos wala din namang sumusunod sa Kanya.

Alam din ng marami na tiyak na kamatayan ang tutunguhin nila, sa buhay na ito sa daigdig at sa buhay na walang hanggan, kung hindi sila tumutupad sa mga kautusan ng Diyos na nakasulat sa Bibliya, pero ipinangangalandakan nila sa kanilang mga isip na hindi darating ang kamatayan sa kanila. Kelan kaya magbabago ng tunay ang mga mananampalatayang Pilipino?

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon. Telepono: 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058. Email: batasmauricio@yahoo.com./PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here