Imee Marcos: Walang tigil na smuggling, nakagagalit, nakakabagabag, nakalulungkot!

MARCOS
MARCOS

NABABAGABAG si Senadora Imee Marcos sa biglaang pagpapaliban ng House committee on agriculture and foods sa imbestigasyon sa kontrobersyal na isyu ng smuggling sa bansa.

Ayon Kay Marcos, chairperson ng Senate committee on cooperatives, nababagabag siya sa mga alegasyon patungkol sa smuggling, lalo na’t personal niyang nalaman ang mga paghihirap ng ating mga kababayang magsasaka.

Giit ng senadora marapat lamang na mariing imbestigahan na ang akusasyon nang walang halong takot at pagpabor hanggang sa malaman natin ang buong katotohanan para sa mga magbubukid  at sa ngalan ng katarungan.

“NAKAGAGALIT, NAKAKABAGABAG at NAKALULUNGKOT ang walang tigil na smuggling sa mga produktong agrikultura kaya dapat ituloy ang hearing. Kahit sinuman ang tamaan, dapat walang sasantuhin ang gobyerno,” gigil na pahayag ni Marcos.

“Wala na sanang postponements, nang sa gayon, matapos ang maraming taon ng paglusot at pagsalag, makulong na habambuhay ang mga kriminal, smugglers at mga walang malasakit na pasimuno nitong malawakang pagsasabotahe sa ating agrikultura!” diin ni Marcos.

Sa panig ng Senado, sinabi ni Marcos na itutuloy nila ang pagdinig hanggang hindi nakakasuhan at naipakukulong ang mga smuggler at kasabwat nila sa mga ahensya ng gobyerno.

Sa nakalipas na Senate hearing, tinukoy na ang mga pangalan ng big time smugglers pero walang ginawang aksyon ang Bureau of Customs (BOC).

Noong Jan. 23, pinaimbitahan naman ni Sultan Kudarat 2nd District’s Rep. Horacio Suansing Jr. ang sampung big time agri smugglers na sina Leah “Luz” Cruz, Manuel Tan, Jun Diamante, Andrew Chang, Michael Ma, Lujene Ang, Beverly Peres, Lucio Lim, Gerry Teves, at alyas “Aaron”.

Pinasisipot ni Marcos sa susunod na hearing ng Senado si BOC commissioner Yogi Ruiz dahil sa ilang beses na pang-iisnab nito./PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here