[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’Isyu sa Valentine: dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’18’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 15, 2018
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: ââŚLabis ang pag-ibig ng Diyos sa tao kaya Siya mismo ang bumaba sa lupa mula sa langit sa anyo ng tao, may laman at dugo, at tinanggap ang parusang nakalaan para sa kanilang mga kasalanan, upang ang tumanggap at sumampalataya sa Kanya bilang Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo, ay di mapapahamak, magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at mabibigyan pa ng karapatang maging anak ng DiyosâŚâ (Juan
3:16, Ang Tanging Daan Salin ng Bibliya).
-ooo-
ISYU SA VALENTINE: DAKILANG PAG-IBIG NG DIYOS SA TAO: Kung bubulay-bulaying mabuti ang buong Bibliya, makikita nating ang mga kuwento dito ay naglalaman ng iisang paksa: ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao. Isa dito ang tumatalakay sa paghihirap ng kalooban ni Jesus dahil sa nalalapit niyang pagkakapako at kamatayan sa Krus, na matatagpuan sa Mateo 26:36-45, Marcos 14:32-42 at Lucas 22:39-46 ng Bibliya.
Sa mga bersikulong, ipinapakita si Jesus na naghihirap at nagdurusa ng kalooban, dahil sa alam Niya kung ano ang mangyayari sa Kanya sa mga susunod na oras, na nagbunsod sa Kanya upang magsabi: âAng aking kaluluwa ay nalalambungan ng sobrang lungkot na parang dumating na ang kamatayan.â
Kung tutuusin, ito ay isang mapakapangyarihang pagsasalarawan kay Jesus sa kanyang mga katangian bilang tao, pero mahalaga ito kung ito ay ating titingnan sa punto ng Kanyang mga sumunod na salita: âAma, kung maaari lamang, ang sarong ito ay maalis sana sa akin. Pero, hindi ang aking nais, kundi ang iyong kalooban.â Ibig sabihin, tinatanggap Niya ang pasakit, at kamatayan, dahil mahal Niya ang tao.
-ooo-
PINAHIRAPAN SI JESUS, SA UTOS NI PILATO: Sa Evangelio ni Mateo (27:26), Marcos (15:15) at Juan (19:1), isang bahagi ng buhay ni Jesus ay isinalarawan lamang sa pamamagitan ng iisang pangungusap: Pinahirapan ni Pilato si Jesus. Sa Evangelio naman ni Lucas, ni walang direktang pagsasalarawan ang naganap.
Ang tanong dito ay ito: ano ang kahalagahan ng pagpapahirap na ito kay Jesus upang maging bahagi ito ng mga misteryo ng Banal na Rosaryo? Sa aking tingin, ang kahalagahan ng bahaging ito ng buhay ni Jesus ay ang pagpapakita nito ng kasamaang maaaring lumukob sa tao, kung siya ay todo ng nahiwalay sa Diyos dahil sa kanyang pagsuway sa Kanyang mga utos at tuntunin.
Bagamat pinakamahal ng Diyos ang tao sa lahat ng mga nilalang, ang tao ay nagiging halos hayop na nilalang dahil sa kanyang pagtalikod sa Diyos at sa Kanyang Anak, sa pamamagitan ng katigasan ng kanyang puso. Dapat nating iwasan ang ganitong kalagayan, sapagkat wala tayong tutunguhan dito kundi ang impiyerno. Mabuti na lamang at dakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, kayaât makakaiwas tayo sa kapahamakan kung Siya ay ating pananampalasatayaan.
-ooo-
KORONANG TINIK SA ULO NI JESUS: Ganundin, may mga nagsasalarawan ng pagkakaputong ng koronang tinik kay Jesus, at itong kuwentong ito ay makikita sa Mateo 27:29, Marcos 15:17 at Juan 19:2 ng Bibliya, bagamat walang ganitong kuwento sa Lucas.
Ayon sa mga bahaging ito ng Bibliya, sinubukan ni Pilato na pakawalan si Jesus, na noon ay inilapit sa kanya matapos Siyang maaaresto. Pero kinontra siya ng mga tao, na humiling na sa halip na si Jesus ang kanyang pakakawalan, ang mamatay taong si Barabbas na lamang. Ipinagpilitan nilang dapat ay ipako sa krus si Jesus.
Matapos ito, pinahirapan ni Pilato si Jesus. At pagkatapos ng pagpapahirap sa Kanya, si Jesus ay dinala sa Praetorium kasama ng mga sundalo, na kung saan siya ay hinubaran ng kanyang damit, at sinuutan ng mamahaling kasuutan. Inilagay din ng mga sundalo sa Kanyang ulo ang isang koronang tinik, niluhuran siya at hiniya sa pamamagitan ng pagtawag sa Kanya bilang hari ng mga Hudyo. Bakit pinahintulutan ni Jesus na mangyari sa Kanya ang mga ito? Dahil sa Kanyang pag-ibig sa atin!
-ooo-
PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]
[/av_one_full]