
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Kape at mani, panlaban pala sa sakit sa puso at stroke
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan (at dugo) ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili. Iyan ang dahilan kung bakit mahihina at sakitin ang marami sa inyo, at may ilan ngang namatay na…” (1 Corinto 11: 29-30, Bibliya).
-ooo-
PAG-INOM NG KAPE, NAKAKATULONG KONTRA SAKIT SA PUSO AT STROKE: Umiinom ba kayo ng higit sa isang tasang kape araw-araw? Kung oo, sinasabi ng isang lathalain sa Time Magazine na lumabas ngayong linggong ito na malaki pala ang biyaya nito kontra sa atake at iba pang mga sakit sa puso at sa stroke. Ayon sa Time, ang isang umiinom ng isa hanggang anim na tasang kape araw-araw ay nabibigyan ng proteksiyon sa mga sakit na ito.
Batay ito sa napakahabang pag-aaral University of Colorado Medical School sa Estados Unidos, na nagsabi: “Coffee was associated with a reduced risk for heart failure, stroke and coronary heart disease. For coffee drinkers, every 8-ounce cup per day reduced these risks by 7%, 8% and 5%, respectively, compared to people who didn’t drink coffee…”
Sa Filipino, ganito po ang ipinahayag ng mga nagsaliksik sa epekto ng kape: “May kaugnayan ang kape sa pagbabawas ng banta ng atake sa puso, stroke, at iba pang sakit sa puso. Sa mga umiinom ng kape, ang bawat tasang may lamang walong librang kape ay nagbababa ng tsansa ng mga sakit na ito ng 7%, 8% at 5%, kumparado sa mga taong hindi umiinon ng kape…”
-ooo-
PAGKAIN NG MANI AT IBA PANG NUTS, PABOR DIN SA PUSO: Samantala, sa ulat na inilabas naman ng isang pahayagan sa Pilipinas ukol sa pag-aaral na tinalakay sa Journal of American College of Cardiology, nakakatulong din ng malaki upang labanan ang mga sakit sa puso ang regular na pagkain ng mga mani, wallnut, o iba pang mga buto ng mga tinatawag na tree nuts.
Bumaba ang pagtama ng mga sakit sa pusong tinatawag na cardiovascular diseases at hardened arteries (o yung mga ugat na tumigas dahil sa puno na ang mga ito ng kolesterol) ng mula 14 hanggang 20 porsiyento kung regular na kumakain ang isang tao ng mani at mga kahalintulad na buto, ayon pa sa pag-aaral.
Ang mga resultang ito ng pag-aaral sa pagkain ng mani ay ginawang batayan ng mga mananaliksik sa America upang isulong ang pagkain ng mga ito ng regular, ayon kay Martha Guasch Ferre, isang research fellow sa nutrition department ng Harvard T.H. Chan School of Public Health.
-ooo-
ANGGULONG ESPIRITUWAL NG PAGKAIN AT PAG-INOM: Sa kabuuan, dapat ding magsumikap ang lahat na sa kanilang bawat pagkain at pag-inom, aalalahanin nila ang anggulong espirituwal ng pagkain at pag-inom, ayon sa sinasabi ng 1 Corinto 11 ng Bibliya. May utos sa mga bersikulong ito na kailangang isipin ang ginawang sakripisyo ni Jesus upang maligtas ang mga makasalanan.
Ang tinutukoy na saskripisyo dito ay ang pagpayag ni Jesus na mapinsala ang Kanyang laman at mabuhos ang Kanyang dugo upang ang mga taong tatanggap at sasampalayata sa Kanya bilang Diyos at Tagapagligtas, at bilang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, ay magkakaroon ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.
Dahil diyan, dapat nagpapasalamat kay Jesus ang sinumang kakain at iinom, at humingi sa Kanya na gawin Niyang Kanyang katawan at dugo ang pagkain at inumin, upang magkaroon ng kalakasan ang kanilang mga katawang-lupa at kapatawaran ang kanilang mga kasalanan. Dapat ding tinataasan ng kamay ng mga kumakain o umiinom ang kanilang pagkain at inumin, upang babaan ang mga ito ng Espiritu ng Diyos.
-ooo-
PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]