[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Sahod at bonus sa gobyerno, ninananakaw sa ATM
INSPIRASYON SA BUHAY: â⌠Huwag kayong mananangan sa pangingikil, o magtiwala sa mga nakaw na yaman. Kahit pa kayo maging marangya dahil sa mga ganitong gawain, huwag mahuhumaling ang inyong puso sa kanilaâŚâ (Awit 62:10, Bibliya).
-ooo-
SAHOD AT BONUS SA GOBYERNO, NINANAKAW SA ATM: Maraming mga empleyado at opisyales ng pamahalaan ang natatakot sa ngayon sa estilo ng pagpapasahod sa kanila sa pamamagitan ng âautomated teller machinesâ (ATM) sa mga bangkong pag-aari ng gobyerno. Ang dahilan? Nananakaw ang mga perang dapat ay sasahurin o siyang bonus nila, lalo na ngayong Kapaskuhan.
Kahit ano pala ang paniniyak ng mga government banks na ito, nananatiling napakadali para sa mga magnanakaw na kunin ang mga perang nakadeposito sa mga ATM accounts ng mga kawani ng pamahalaan. Ayon sa mga nakakausap ko, talamak ang pagnanakaw ngayon sa mga nasabing ATM accounts, kasi dito din ipinadadaan ang mga government bonuses.
Ang masakit pa, matapos i-report ng mga nanakawang manggagawa ng gobyerno ang pagkakanakaw ng kanilang mga sahod o bonus, hindi pala agad nareremedyuhan ng mga bangko ng gobyerno ang sitwasyon, at kailangan pang maghintay ang mga manggagawa ng halos isang buwan para lamang ma-i-refund ang nawala nilang pera, kung may refund man na maibabalik pa.
-ooo-
IWASAN ANG PAGBABANGKO? Matagal na ang problemang ito ng mga transaksiyon sa bangko na idinadaan sa ATM o sa tinatawag na âcomputerized banking.â Ilan buwan lamang ang nakakaraan, may isang bangkong matagal ng nakatayo sa Pilipinas, mula pa noong panahon yata ng mga Kastila nag-umpisa ito dito, ang nagka-problema sa mga ATM depositors nila.
Tapos, madalas din tayong nakakadinig ng mga sigalot sa mga may credit cards na nagrereklamong ang kanilang mga credit cards, na ginagamit din nila bilang ATM cards, ay nagagamit ng ibang tao upang ipambayad sa mga mamahaling bilihin. Sa karamihan ng ganitong kaso, sa abroad diumano nagagamit ang credit/ATM cards.
Tinanong ako ng mga kawani ng gobyerno na nanakawan sa kanilang mga ATM cards kung ano daw ang dapat nilang gawin upang hindi na sila mabiktima ulit ng ganitong scam. Sabi ko, huwag na silang gumamit, di lamang ng ATM o computerized banking, kundi ng anumang bangko mismo. Itago na lang nila ang pera nila sa ibang puwedeng pagtaguan.
-ooo-
ATM BANKING SCAM, BAKIT WALANG NAPARURUSAHAN? Ang malaking isyu sa ganitong banking scam ay yung kawalan ng kakayahan ang mga bangko na alamin kung sino ang nagsasagawa ng mga pagnanakaw mula sa mga ATM accounts ng kanilang mga kliyente. Di ba, matagal na ang ganitong bali-balita sa bansa, pero, wala namang naipapakilala na siyang gumawa o di kaya ay napaparusahan?
Ngayon, ang tanong: saan naman pupuwedeng itago ang pera natin kung hindi sa bangko? Sa aking tingin, pupuwede nating i-withdraw at gastusin agad ang mga perang ito mula sa ating mga sahod o bonuses. Ibili na natin ng mga gamit na kailangan natin sa bahay o sa opisina. Sabi nga ng isang nabiktima noon lamang Biyernes, Nobyembre 24, 2017, sabi ng bangko sa kanya ay alisin na agad niya ang mga pera niya sa ATM.
Marahil ay dapat na din tayong matuto na gamitin ang ating mga kita sa mga negosyo, kahit na maliit lang. Sa pamamagitan ng kahit na maliit na negosyo, mapapalago natin ang ating mga pinaghirapang kita. Kailangan lang, bago magnegosyo, kunin muna natin ang pagsang-ayon ng Diyos sa balak natin upang mapasa-atin ang Kanyang pagpapala.
-ooo-
PANOORIN, âANG TANGING DAANâ SA FACEBOOK: Ang âAng Tanging Daanâ ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]