[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Abogada sa Calamba RTC, kapuri-puring maglingkod
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una…” (Pahayag 2:19, Bibliya).
-ooo-
ATTY. ABIGAIL P. CASTRO ZAPATA NG CALAMBA RTC, KAPURI-PRUI SA PAGLILINGKOD: In fairness, mga Kakampi, marami pa din palang mga nagtatrabaho sa gobyerno ang tunay na mahusay na gumaganap sa kanilang mga tungkulin kahit na ang karamihan sa kanilang ibang mga kasamahan ay nagwawalang-hiya na sa maraming pagkakaton.
Isa sa mga sa mga mahuhusay na ito ay si Atty. Abigail P. Castro Zapata, ang deputy clerk of court ng Calamba City Regional Trial Court, Office of the Clerk of Court. Sa aking tingin, karapat-dapat si Abigail na maitaas ng tungkulin, o maluklok bilang fiscal, o kahit na hukom o justice pa kaya ng mga hukuman.
Kasi naman, tumutugon siya sa mga sumusulat sa kanyang tanggapan at nanghihingi ng tulong, kahit na gumastos pa siya ng sarili niyang pera. Ganito ang ipinakita niya sa kaso ng isang taong inilapit ko sa kanya upang maberipika kung may mga kaso ang taong iyon sa Calamba City Regional Trial Court.
-ooo-
PAGLILINGKOD NG TAPAT KAILANGAN SA PAMAHALAAN: Sa aking buong pagkamangha, sumulat si Abigail sa akin at inilahad ang kanyang nasaliksik ukol sa mga kaso ng taong lumapit sa akin. Nakita niyang may walong kasong kriminal pala ang taong iyon, at lahat ay nakabimbin sa isang sangay ng Calamba City Regional Trial Court.
At ang mas ikinagulat ko, si Abigail na din ang nagbayad ng mga certification fee at iba pang mga bayarin na kinailangang bayaran upang makapaglabas siya ng Certification. Nahiya ako sa ginawa niyang ito, kasi, siya na nga ang hiningan ng tulong, siya pa ang nalagasan ng pera.
Naisip ko tuloy: kung sana ang lahat ng mga naglilingkod sa gobyerno ay katulad ni Abigail, tiyak na mapapahusay ng husto ang paglilingkod sa pamahalaan, at mababawasan ng malaki ang korapsiyon at katiwalian sa hanay ng mga nasa serbisyo ng gobyerno.
-ooo-
PAGPAPALA, PAGGABAY, AT PROTEKSIYON SA MGA NAGLILINGKOD NG TAPAT: Nag-isip ko kung paano ko siya pasasalamatan. Ang ginawa ko, sumulat ako sa kanya, at binigyan ko ng kopya ang Office of the Court Administrator ng Supreme Court, ang Clerk of Court at ang Executive Judge ng Calamba City Regional Trial Court. Naririto po ang ilang bahagi ng aking sulat sa kanya, basahin po natin:
“Tunay nga pong kami ay lubos na nalulugod at humahanga na mayroon pa palang mga manggagawa sa pamahalaan, gaya ninyo, na tapat pa din sa kanilang mga tungkulin, at handang tumugon sa mga kahilingan ng madla ng walang iniisip na kapalit. Mabuhay po kayo, at kami ay nananalangin kay Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, na lagi kayong pagpapalain, gagabayan, at bibigyang-proteksiyon, pati na ang inyong mga mahal sa buhay.
“Bagamat ang pagtugon sa mga tanong ng madla sa mga ahensiya ng pamahalaan ay itinatakda sa Republic Act 6713, ang Code of Conduct and Ethical Standards for Government Officials and Employees, itinaas po ninyo ang antas ng inyong paglilingkod…”
-ooo-
PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]