KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Nakakabaog ba ang Dengvaxia?

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid…” (Efeso 6:12, Bibliya).

-ooo-

NAKAKABAOG BA ANG DENGVAXIA? May tanong ako kaugnay sa kontrobersiya sa gamot sa dengue na ang tawag ay Dengvaxia na sa aking tingin ay dapat sagutin ng Sanofi (ang gumawa ng nasabing gamot): posible bang ang mga batang lalaki na naturukan ng gamot na ito na wala namang naunang dengue infection ay mawawalan na ng kakayahang magkaroon ng mga anak?

Tiningnan ko kasi sa Google kung ano ang isang epekto ng pagkakaroon ng dengue at lumilitaw, ayon sa isang pag-aaral,  nagkakaroon ng erectile dysfunction ang isang batang tinamaan ng dengue, dahilan upang hindi na niya makayanan ang makipagtalik. Siyempre, kung di na kayang makipagtalik ng isang lalaki, di mabubuntis ang mapapangasawa niya.

Sa https://www.researchgate.net/publication/313030754_Voiding_and_Sexual_Dysfunction_in_a_Young_Patient_After_Dengue_Fever) mababasa ang batayan ng aking tanong at mga sinasabi ko dito.

-ooo-

KUNG SAKALI, “POPULATION CONTROL” PALA ITO: Wala pang detalye sa ngayon kung ilan sa mahigit 700,000 mga batang mag-aaral sa Metro Manila, Region 4 A (Southern Tagalog Region) at sa Region 3 (Central Luzon) na naturukan ng Dengvaxia ang mga lalaki pero, ipagpalagay ng kalahai ang kanilang bilang (350,000), napakarami ng pupuwedeng nabaog na mga bata.

Ganito ang aking pananaw dito: batay sa pag-aaral na nabasa ko at ang Internet link ay inilagay ko dito, ang mga batang nagkaroon ng dengue ay posibleng tamaan ng erectile dysfunction (o yung hindi na tinitigasan ng ari) at posibleng maging baog na nga.

Ngayon, kung ang mga batang wala pang dengue ay naturukan ng Dengvaxia at, dahil diyan, ay nagkaroon sila ng virus ng dengue fever, tatamaan din sila ng epekto ng pagkakaroon ng dengue, kasama na ang erectile dysfunction na binabanggit natin dito. Aba eh, mas matinding population control program ito, pag nagkataon.

-ooo-

BAKA DUMAMI ANG ABNOY SA PILIPINAS, PAG NAGKATAON: Yan ang dahilan kung bakit, sa aking tingin, kailangang liwanaging mabuti ang isyung ito. Dapat isama sa imbestigasyong isasagawa ng ilang mga sektor, partikular ang Kongreso at Senado, ang iba’t ibang epekto ng gamot na Dengvaxia sa katawan at kalusugan ng mga Pilipino.

Maliit lamang na krimen kumbaga ang pagkakabayad ng gobyernong Noynoy Aquino ng mahigit sa P3 bilyon para sa Dengvaxia, kung ikukumpara sa kapariwaan ng maraming kabataang posibleng hindi na magkakaanak pa dahil sa gamot. Tunay nga, hindi lamang kinapon ang lahi ng mga batang ito, kung nagkataon.

Pinagkaitan pa silang magkaroon ng katuparan ang kanilang pagiging lalaki. Maaaring ito ay magdulot ng pagkasira ng isip, o pagka-baliw ng mga lalaking ito, paglaki nila. Isipin mo, dadami ang mga abnoy sa Pilipinas dahil sa ginawa ng gobyernong Noynoy Aquino.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here