[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
[/av_textblock]
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Atty. Batas, puwede ng magkasal!
INSPIRASYON SA BUHAY: â⌠Ngunit sinabi ni Jesus⌠âDahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, [magsasama sila ng kanyang asawa] at ang dalawa’y magiging isa.â Hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng taoâ…â (Marcos 10:7-9, Bibliya).
-ooo-
ATTY. BATAS, PUWEDE NG MAGKASAL: Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus! Noong Miyerkules, Disyembre 06, 2017, pormal kong tinanggap ang kapangyarihang iginawad sa akin ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa pamamagitan ng kanyang Office of the Civil Registrar General, upang magkasal ng mga nagnanais ng maging legal ang kanilang pagiging mag-asawa.
Ang kapangyarihang magkasal ay ibinigay sa akin sa aking katayuan bilang Leader Disciple, o pinuno ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), isang kalipunan ng mga mananampalatayang Kristiyano na nananampalataya na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas, at Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Batay dito, maaari na po akong magkasal sa alinmang panig ng buong Pilipinas. Sa sertipikong ibinigay sa akin ng PSA, ang karapatang ito ay may bisa sa loob ng dalawang taon, mula Oktubre 11, 2017 hanggang Disyembre 31, 2019. Sa mga interesadong magtanong, maaari po akong tawagan sa mga numero o email na nakalista sa ibaba nito. Silipin din po ang www.facebook.com/attybatas para sa litrato ng lisensiya.
-ooo-
AND KNK: MGA IKINASAL, HINDI DAPAT NAGHIHIWALAY: Sa AND KNK, ang kasal ay isang sagradong pag-i-isa ng lalaki at babae. Naniniwala ang AND KNK na ang kasal ay isang paraang ibinigay ng Diyos sa tao di lamang upang magpakadami sila ng lahi kundi upang maipahayag ang pag-ibig ng lalaki sa babae at ng babae sa lalaki.
Naniniwala din ang AND KNK na itinatag ng Diyos ang kasal upang maipagpatuloy ang lahi ng mga mananampalataya at tatanggap sa Kaniya bilang Diyos at Tagapagligtas. Dahil diyan, isinusulong ng AND KNK ang patuloy na pagsasama ng lalaki at babae hanggang sa sila ay bawian na ng buhay. Walang hiwalayan, kumbaga.
Ganundin, naniniwala ang AND KNK na ang kasal ay isang paraan ng Diyos upang maibaba ang Kanyang mga kautusan at aral na gagamitin ng mga tao upang kanilang makamtan ang kapangyarihan habang sila ay nabubuhay sa daigdig na ito, ligtas sa anupamang kahirapan, kaguluhan, o kabiguan, at pati na sa mga sakit at karamdaman, pati na sa mga atake ng diyablo.
-ooo-
KASAL NG MGA MANANAMPALATAYA, DAPAT SA SIMBAHAN: Sa totoo lang, para sa mga mananampalatayang Kristiyano, kailangang ganapin ang kasal sa loob ng kanilang mga simbahan, sa pangunguna ng kanilang mga pinuno, pastor, ministro, pari, at iba pang mga autorisadong lider o namamahala. Kailangan ito upang mula sa umpisa ng pagsasama ng lalaki at babae, kasama na nila ang Diyos.
Dapat maunawaan ng magiging mag-asawa na magiging matagumpay ang kanilang pagsasama kung ang bawat sandali ng kanilang buhay-mag-asawa ay nakasandal na sa Diyos, sa Kaniyang Salita. Sa pagsandal ng mag-asawa sa Salita ng Diyos, tiyak ang dating sa kanila ng mga pagpapala, paggabay, at proteksiyon mula sa langit.
Kung matibay ang kapit sa Diyos ng mag-asawa, magiging mabuti ang pakikitungo nila sa isaât isa lalo paât ang aral ay nagsasabing ang babae ay bahagi ng lalaki, at matindi ang mga paala-ala na kailangang mahalin ng lalaki ang babae at ang babae naman ay dapat magpasakop sa lalaki. Magbibigay din sila ng mabuting halimbawa sa kanilang mga anak.
-ooo-
PANOORIN, âANG TANGING DAANâ SA FACEBOOK: Ang âAng Tanging Daanâ ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]