[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Panukala kay Bebot: alisin na lang ang kasal sa RP
INSPIRASYON SA BUHAY: â⌠Ngunit sinabi ni Jesus⌠âDahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, [magsasama sila ng kanyang asawa] at ang dalawa’y magiging isa.â Hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng taoâ…â (Marcos 10:7-9, Bibliya).
-ooo-
PANUKALA KAY BEBOT: ALISIN NA LANG ANG KASAL SA RP: Kung ang layunin ni House Speaker Pantaleon Alvarez Jr. sa kanyang isinusulong na batas sa madaliang pagpapawalang-bisa ng kasal sa Pilipinas ay matulungan diumano ang mga taong may problema sa pagsasama nila ng kani-kanilang mga asawa, may mas maganda akong panukala para sa kanya at sa kanyang mga kaalyado sa gobyernong Duterte.
Bakit kaya hindi na lamang nila alisin ang sistema ng kasal sa mga Pilipino, sa pamamagitan ng batas na nagpapahintulot na magsama ang lalaki at babae kahit na wala ng kasalan, ke ito say simbahan, sa mayor, o sa mga hukom?
Sa ganoong paraan, Speaker Alvarez, hindi na kakailanganin ninuman na magsampa pa ng kaso at gumastos pa sa abogado para mapawalang-bisa lamang ang kanilang mga kasal. Basta nagkasundong maghiwalay na ang mag-asawa, wala ng balakid pa sa paghihiwalay nila, kasi hindi naman sila ikinasal.
-ooo-
ANO ANG DULOT NG PAGHIHIWALAY SA PAMILYA? Ganundin, kung makakagawa si Alvarez at ang kanyang mga kasapakat sa pagbuwag sa sakramento ng kasal sa Pilipinas ng batas na nagpapahintulot sa pagsasama na lamang basta ng mga nagkakagustuhang lalaki at babae, mawawala na din ang problema ng mga bastardo at bastardang anak.
Kasi, kung wala ng kasal, kikilalanin ng lehitimo ang lahat ng mga magiging anak ng sinumang tao. Magiging pantay-pantay na ang lahat ng bata, magagamit na nila ng walang pasubali ang apelyido ng kanilang mga ama, at hindi na nila kakailanganing magsampa pa ng mga kaso upang makakuha sila ng karapatan bilang mga tagapagmana.
Pero, ano ang idudulot ng ganitong sistema—wala ng kasal, o di kaya, madali ng mapabalewala ang kasal ng mag-asawa—sa pamilyang Pilipino? Hindi kaya lalong masisira na ang lahi ng mga Pilipino kasi magiging madali na sa kanila ang tumalikod sa kanilang mga responsibilidad o mga tungkulin upang mapanatili ang katatagan ng pamilya?
-ooo-
DIYABLO ANG MAY GUSTO SA PAGHIHIWALAY NG MAG-ASAWA: Sa aking pananaw, magkakaroon ng pangangailangang ipabalewala ang kasal ng mag-asawa kung hindi nagsumikap ang bawat isa sa kanila na pangatawanan ng kanilang mga tungkulin sa isaât isa, sa kanilang mga anak, at sa lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Naghihiwalay ang mag-asawa kasi hindi nila pinahalagahan ang kanilang pagsasama.
Hindi ito ang kinalakhan ng mga Pilipino. Hindi ito ang katuruan natin bilang mga Kristiyano. Kung tayo ay nananampalataya kay Jesus, alam natin na hindi natin pupuwedeng paghiwalayin ang anumang pinagsama ng Diyos, ayon na rin sa Kanyang kautusan. Tunay nga, hindi kautusan ni Jesus ang paghihiwalay ng mag-asawa. Kautusan ito ng diyablo.
Ayaw ng diyablo ng matatag na pagsasama ng mag-asawa dahil ang katatagang ito ng pagsasama ay nagpapatatag din sa pagiging mabuting tao ng bawat miyembro ng pamilya. Gusto ng diyablo na maghiwalay ang mag-asawa sapagkat magiging mas madali ang pangangalunya at pakikiapid ng bawat isa sa kanila, at mas madaling hatakin sa kasamaan ang kanilang mga anak. Kailangang tutulan natin ito, mga kakampi!
-ooo-
PANOORIN, âANG TANGING DAANâ SA FACEBOOK: Ang âAng Tanging Daanâ ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]