KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
 

‘Isinilang mula sa Diyos,’ may patunay sa Bibliya

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Sila ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi sila ay isinilang mula sa Diyos…” Juan 1:12-13, Bibliya).

-ooo-

“ISINILANG MULA SA DIYOS”, MAY PATUNAY SA BIBLIYA: Ang mga sumusunod na pagpapaliwanag ay hango po sa “Mga Batayang Aral” ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KN): “Ang isang tunay na `isinilang’ mula sa Diyos na nagiging Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo ay gumaganap, sumusunod, at tumutupad sa mga gawaing ipinag-uutos sa Bibliya.

“Kasama po dito ang pagpapatunay sa isip, sa lahat ng pagkakataon. Laman ng isip ng isang isinilang mula sa Diyos na nagiging Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo ang mga bagay na totoo, dakila, dalisay, matuwid, marangal, kaibig-ibig, at karapat-dapat.

“Kung ating bubulay-bulaying mabuti, hindi maikakaila na ang mga halimbawa ng lahat ng ito ay nakasulat na sa Bibliya. Dahil diyan, upang magkaroon ng katuparan sa lahat ng mga Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo ang mga kailangan nilang iniisip sa lahat ng pagkakataon, marapat na lagi silang nagbabasa ng Bibliya.

-ooo-

GAWAIN PARA SA MGA “ANAK NG DIYOS KADUGO NI KRISTO”: “Pero ang mga babasahin sa Bibliya ay dapat kaugnay lamang ng mga bagay na nakasulat sa `Mga Batayang Aral’ ng AND KNK.  Aalalahanin po natin ang kahalagahan ng ating Mga Batayang Aral sa ating katayuan bilang mga Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo, dahil ang mga batayang ito ang siya nating gabay sa katayuan natin bilang mga Kadugo.

“Ano nga po ba ang katayuan natin bilang mga Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo? Tayo po ay mga tinawag ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa gawain. Kaya tayo ay tinawag mula sa mga dati nating relihiyon, may ipinapagawa sa atin ang Diyos.

“Nais ng Diyos na gamitin tayong lahat na mga Kadugo sa pagpapahayag at pagliligtas ng mga tao sa katotohanang si Jesus ang Diyos at agapagligtas, at siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo. Mahalaga ang gawaing ito, dahil ayaw ng Diyos na mapapariwara ang mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan.

-ooo-

SIMBAHAN NG DIYOS MULA SA SILANGAN: “Ang problema lamang po, wala ng ibang simbahan ngayon na ganito ang tinutupad na tungkulin.  Ito ang dahilan kaya’t tinawag ng Diyos, mula sa Silangan sa malayong lupain, ang kanyang mga anak at mga Kadugo. Papaano natin mapapagtibay ito sa ating mga isip?

“Marapat nating pag-aralang mabuti, at kabisaduhin ng wasto, ang mga bersikulong nakasaad sa ating Mga Batayang Aral. Halimbawa, sa pagsagot sa tanong na `Ano ang Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo’, alamin natin kung ano ang mga bersikulong pinagbatayan sa Mga Batayang Aral upang ipaliwanag ang sagot sa tanong na ito.

“Matapos nating maunawaan ng lubos, at makabisado ang mga bersikulo ng Bibliya sa tanong na ito, kailangang sanayin din natin ang ating mga sarili na ipahayag ang paliwanag natin sa ibang tao…”

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here